TOTOO nga bang inirereto ng fashion designer na si Paul Cabral si Pangulong Noynoy Aquino kay Iza Calzado?
Sabi sa isang report sa radio, si Paul daw ang nagsisilbing tulay sa pagitan nina P-Noy at Iza. Ito raw ang kumakausap sa Kapuso actress about P-Noy.
True rin ba na sinabihan ni Paul si Iza kung puwede silang mag-date ni Pangulong Noynoy?
Kaya lang, mukhang hindi na naka-first base ang Presidente dahil humindi raw si Iza sa alok na date.
Pero hindi naman daw sa ayaw ng aktres maka-date si P-Noy, ang sabi, mukhang hindi pa raw ito ready na makipagrelasyon muli.
Matagal nang natsitsismis sina Iza at P-Noy and in her past interview ay sinabi ng aktres na wala naman daw something na namamagitan sa kanila ng nakatatandang kapatid ni Kris Aquino.
Tsaka, katatapos lang ng huling relasyon ni Iza, baka nga naman nagpapagaling pa siya ng sugat sa kanyang puso.
Malay naman natin, one of these days, kapag talagang nagpursige si P-Noy, pagbigyan din siya ni Iza?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.