Bruno Mars nag-donate ng 100,000 dolyar sa Yolanda victims
Siguradong matutuwa ang lahat ng mga Yolanda survivors sa magandang balitang hatid ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.
Bago nga sumalang sa stage ang international singer na may dugong Pinoy na si Bruno Mars para sa kanyang one-night concert noong Sabado sa MOA Arena, nagsabi itong magdo-donate ng $100,000 sa Bantay Bata para na rin sa mga batang nabiktima ng super typhoon Yolanda sa Leyte.
Ang nasabing donasyon ay gagamitin para sa pagtulong sa mga bata sa Tacloban at iba pang lugar na tinamaan ni Yolanda.
Sa isang turnover ceremony na ginanap kamakailan, ginawaran din si Bruno Mars ng double platinum record and double diamond record awards ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) at Warner Music Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.