Jovit hirap na hirap nang bumirit | Bandera

Jovit hirap na hirap nang bumirit

- December 15, 2011 - 01:28 PM

 

Nagasgas na raw ang super taas na boses
Maraming nanood ng pinakahuling concert ni Jovit Baldivino ang nagsasabing mukhang hirap na hirap na siyang kumanta. 
Wala na raw kinis ang boses ng singer, parang pilit na pilit na, wala na raw ang kanyang dating timbre na napakataas.

Sabi ng isang nakausap namin, “Parang nahihirapan na siyang kumanta, parang meron na siyang hingal factor, parang napababayaan na niya ang boses niya.
Hinintay ko pa naman ang rendition niya ng ‘Faithfully’, pero nabigo ako, hindi na ganu’n sa dati ang timbre ng boses niya. Malapit na siyang sumabit, hirap na hirap na 
siya,” komento ng aming kausap.
Sinabi rin ng aming source na mukhang nakakalimutan na ng singer na ang kakaibang taas ng timbre ng boses niya ang nagustuhan ng publiko, pero hindi niya naman inaalagaan ‘yun, mabisyo raw ang male singer?
Kahit ang ibang kaibigan namin ay ganu’n din ang sinabi, nagkakaroon na ng punit ang lalamunan ni Jovit, sa kanilang pagkakaalam ay mga bisyo lang naman ng pag-inom at
 paninigarilyo ang puwedeng maging dahilan nu’n.
Reaksiyon ni Richard Pinlac na nanood ng concert nila ng isa pang kampeon na si Mercelito Pomoy, “Ay, parang hindi natutukan ng mga tagapag-alaga ni Jovit ang voice niya.
 Parang hindi na siya ganu’n kagaling, konting-konti na lang at sasablay na siya sa maraming pagkakataon!”
Yun na!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending