Reporter binastos ng staff ni Ate Vi? | Bandera

Reporter binastos ng staff ni Ate Vi?

- December 14, 2011 - 02:51 PM

Ipinagtulakan daw kahit invited sa presscon

May kaunting kaguluhan palang nangyari nang magpatawag ng ilang members of the press si Gov. Vilma Santos para sa isang event sa Calaca, Batangas.

Naitulak-tulak pala ang isang kasama namin sa panulat. Isang tomboy raw na kasama sa mga nag-organize ng event ni Gov. Vilma ang nagtulak sa reporter na in fairness ay invited naman daw sa pagtitipon.

Hindi namin alam kung aware na si Gov. Vilma sa nangyaring ito but in case she’s not yet informed, well, dapat niya itong malaman dahil ang layo-layo pa ng Batangas para dayuhin ng isang manunulat pagkatapos ay ganu’n lang pala ang gagawin ng isa niyang staff.

At kahit naman siguro hindi imbitado ang nasabing writer ay hindi rin siya dapat ipinagtulakan ng staff ni Gov. Vilma, pwede naman nila itong kausapin nang maayos, hindi ‘yung para siyang isang hayop na ipinagtatabuyan.

Sino nga kaya ang sinasabing staff na iyon na kung makaasta ay talo pa ang kanyang amo? Dapat pangaralan o turuan ng leksiyon ang taong ‘yun para hindi na pamarisan. Hindi ba niya alam na nakakasira ng imahe ng kanyang boss ang ginawa niya sa aming colleague?

Well, dahil wala naman kami du’n sa event na ‘yun, binubuksan namin ang pahinang ito para sa side ng staff ni Gov. Vilma.

Sigurdong may paliwanag naman diyan si Gov. Vilma at ‘yan ang hintayin natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending