Sa unang pagsabak niya sa indie movie na ‘Ekstra’ ni direk Jeffrey Jeturian
Ka-text namin kamakailan si dear idol-friend at kumare naming si Gov. Vilma Santos.
Paulit-ulit ang paghingi nito ng pasensya sa amin at sa inaanak niyang si Nee-yong dahil na-miss nga niya ang birthday party nito dahil natapat na weekend ‘yung kanyang shooting sa pinag-uusapang first indie movie niyang “Ekstra” na idinirek ni Jeffrey Jeturian na isa sa mga entries sa darating na Cinemalaya Film Festival.
Imadyinin mo kapatid na Ervin ang pag-amin nitong kinakabahan pa rin siya dahil bukod sa first time niyang mag-indie, first time rin niyang gaganap na extra, “Parang naging advocacy film na rin namin ito for our hardworking extras and utility personnel sa isang film production dahil doon talaga naka-pokus ang movie.
“Bilib ako sa galing ni direk Jeffrey pagdating sa mga detalye.
Matutok siyang direktor.
Nakakahiyang magkamali dahil first time ko ngang gampanan ang ganitong klaseng role,” paliwanag pa sa amin ni ate Vi.Nang sabihin namin ditong dapat na mas ma-pressure si direk Jeffrey dahil sa ganda ng mga early reviews and write-ups ng movie, which at this early ay inihihilera na agad as among the best na ginawa ng isang Vilma Santos, sumagot si ate Vi na mas lalo namin siyang binigyan ng tension.
“Naku pare, walang ganyan.
Huwag kang ganyan.
Ha-hahaha! Basta ang masisiguro ko ay makikita ninyo dito ang pinaghirapan namin.
Hangad ko lang na magustuhan ito at suportahan ng maraming tao bilang ito na rin ang kontribusyon ko sa indie filmmaking,” sey pa ng ating mahal na Star for All Seasons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.