Zanjoe, Bea di pinayagang ipasyal si Annaliza sa HK, delikado
KINABOG ng child actress na si Andrea Brillantes ang quotation queen ng entertainment writers na si Tita Mercy Lejarde sa mga sagot niya sa tanong during the grand finale presscon ng top-rating afternoon drama-series na Annaliza sa ABS-CBN.
Napaka-natural na bata talaga ni Andrea. Mahuhuli naman sa mga sagot niya kung nagpi-pretend lang siya, e. Like kung nakakapaglaro pa ba siya sa kabila ng kabisihan niya.
“Nakakapaglaro naman po ako kasi kasama ko rin po sa set mga bata. Masaya naman ako kasi ginusto ko naman po talaga ang pag-aartista kaya okey lang po,” pahayag ni Andrea na nag-celebrate rin ng kanyang 11th birthday.
At hindi rin daw siya napapagod. Although, inamin naman niya na minsan napupuyat siya. Pero eto naman ang hirit ni Andrea, “Part of the job ko po ‘yun.” O, ‘di ba?
Dahil sa professionalism ni bagets at sa success ng Annaliza, hayan at may kasunod na drama series ulit si Andrea sa unit ni Businees Unit Head direk Ruel Bayani, ang Hawak Kamay kasama sina Iza Calzado, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Isha at ang pagbabalik sa primetime ni Piolo Pascual.
Tiyak na mapapasubo si Andrea sa umaatikabong aktingan with Xyriel at Zaijian, huh! Sey naman ni Direk Ruel, hindi naman daw niya gusto na laging title role si Andrea sa teleserye niya.
It’s too much pressure nga raw for a child actress na title role siya per show. “Tapos kung puro siya ang title role, e, baka hindi na maganda, this time, iba naman. She will have fun for the next show.
She will be sharing the spotlight with three other child actresses. To me kasi it’s not the title, e, it’s the project, and then from there, baka magulat na lang tayo two years from now baka love story na ang ginagawa nito.
Kaya nga hinahadlangan ko, e, 18 pa siya pwede magka-crush, ‘no,” biro ni Direk Ruel. Idinagdag naman na tsika ni Direk na sa sobrang close ni Andrea sa tatay-tatayan niya sa Annaliza bilang si Guido na si Zanjoe Marudo at real-life girlfriend nito na si Bea Alonzo, e, binalak nila na dalhin si bagets sa Hongkong.
“Hindi ako pumayag. Nagkontrabida ako. Sabi ko, paano kung buong sweetness kayo sa kalsada sa gitna ng kalsada at nabitawan ninyo, nawala si Andrea at hindi na nabalik sa ABS ‘di ba? Kapapanood ko pa lang ng pelikula ni Echo (Jericho Rosales), ‘yung ‘Alagwa’ (tungkol sa nawalang anak).
So, sila hindi nagtagumpay. “Syempre, times have changed. Ngayon, si Andrea ay hindi na pwedeng mawala, ma-displace. Siyempre, natatakot lang ako sa safety niya noon,” esplika ni Direk Ruel.
Pero ngayong matatapos na ang Annaliza this week, e, okey na kay Direl Ruel na ipasyal nina Zanjoe at Bea si Andrea kung saan-saan.
Sa nalalapit na pagtatapos ng Annaliza, pakatutukan ang huling laban ni Annaliza at ng kanyang pamilya dahil matitikman na nila ang rurok ng galit nina Makoy (Carlo Aquino) at Stella (Kaye Abad) matapos mamatay ang kanilang anak.
Paano lalampasan ni Annaliza ang huling hamong ito? Tutukan ang huling linggo ng Annaliza, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.