Ex-misis ni Jose may kinalaman sa tangkang suicide ng anak? | Bandera

Ex-misis ni Jose may kinalaman sa tangkang suicide ng anak?

Ambet Nabus - March 16, 2014 - 03:00 AM


Nakakaloka ang balitang tangkang pagpapakamatay ng anak na dalaga ng komedyanteng si Jose Manalo.Kung agad-agad kasing papaniwalaan ang mga balita at ugat ng sitwasyon eh sasabihin mo talagang walang kuwentang ama ang mahusay na comedian-host ng Eat Bulaga dahil kahit noong nakipaghiwalay ito sa asawa eh may isyu na sa kanya na isang  pabayang ama.

Na ito’y hindi nagbibigay ng suporta sa mga anak at wala itong tinutupad sa mga pangako niya sa mga ito.Nakakalungkot na nakakadismaya lalo pa’t sa araw-araw nating pakikitawa at pagngiti sa mga taong natutulungan nina Jose sa segment nila sa Eat Bulaga, mararamdaman mong mabuti itong tao at may puso sa mga nangangailangan.

Sobrang contradicting, sobrang malayo sa iniuugnay ngayong pagkatao niya nang dahil sa tangkang pagpapakamatay ng anak.
Pero ang talagang ikinabaliw naming nabalitaan kapatid na Ervin ay yung diumano’y pagtulak mismo ng nanay ng mga bata na gawin ang naturang bagay para matawag ang atensiyon ng ama?

The height of ka-cheapan at katangahang matatawag dahil kung may katotohanan ang tsikang ito, aba’y masarap talagang pukpukin ang dating asawa ni Jose na noon pa ma’y nasangkot na sa sari-saring iskandalo.

But at the same time, very alarming din ito for Jose dahil para mag-resort sa ganu’ng paraan ang anak out of depression, masasabing wala nga marahil itong konkretong ginagawa bilang isang mabuting ama?

Sa isang statement naman na nabasa namin mula sa kampo ni Jose, idinenay nito ang mga paratang na isa siyang iresponsableng ama. Sinusunod din daw ng komedyante ang mga utos sa kanya ng korte para sa sustento sa mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending