Annaliza type gumawa ng Superman movie; sina Zanjoe at Bea ang bida | Bandera

Annaliza type gumawa ng Superman movie; sina Zanjoe at Bea ang bida

Ervin Santiago - March 16, 2014 - 03:00 AM


NALALAPIT na ang pagtatapos ng top-rating family drama na Annaliza at kasabay ng pagsasara ng kwentong sinubaybayan ng bayan ay ang siya namang pagsisimula ng mas makulay na karera para kay Andrea Brillantes na ngayo’y binabansagang Tween Princess ng Kapamilya Network.

Ayon sa business unit head na si Ruel Bayani, hindi lang nakuha ng Annaliza ang puso ng mga manonood, matagumpay din nitong nahanap ang susunod na tween superstar ng bansa.

“Maganda talaga ang future ni Andrea sa showbiz. Sa kanyang ganda at husay sa pag-arte, alam mo na ngayon pa lang na malayo mararating niya,” sabi ni direk Ruel.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Andrea ang kasikatang kanyang timatamasa na, para sa bata ay, nasusukat niya sa dami ng gustong magpa-picture sa kanya.

“Madami ng nagpapa-picture sa akin. Dumami rin followers ko sa Twitter at Instagram at mas marami na ang nagmamahal sa akin,” paliwanag ni Andrea, na katatapos lang magdiwang ng ika-11 na kaaarawan.

Talaga namang ibang level na ang kasikatan ni Andrea dahil bukod sa pagiging isang household name ay nakuha niya rin ang kanyang pinakaunang acting award bilang Best Child Performer sa ginanap na PMPC Star Awards for TV noong nakaraang taon.

Kaya naman ganoon na lang ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang fans at maging ng management. “Masaya po ako dahil tumagal ng ganito ang unang show ko.

Medyo malungkot din po kasi magkakahiwalay na kami ng best friend ko na si Kyline, si Tatay (Zanjoe Marudo) at iba pang cast. Pero ganoon po talaga.”

Sa kanyang murang edad, malinaw na gusto ni Andrea ang mundong pinasok. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang sarili na gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya. Nais niya rin daw pasukin ang pagdidirehe.

“Gusto ko po mag-direct ng Superman na movie pero Pinoy version. Si Tatay (Zanjoe) po ang gaganap na Superman at si ate Bea (Alonzo) po ang ka-loveteam niya.”

Nagsimulang umere ang Annaliza noong Mayo 2013 at tumakbo ng halos apat na seasons. Apat na programa rin ang pinataob nito sa kalabang network pagdating sa national TV ratings.

Pumalo ito sa pinakamataas nitong rating na 27.8% noong Feb 12 at pumasok din sa top three pinakapinapanood na programa sa buong bansa base sa datos ng Kantar Media.

Sa nalalapit nitong pagtatapos, tutukan ang huling laban ni Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN at ng kanyang pamilya dahil matitikman na nila ang rurok ng galit nina Makoy (Carlo Aquino) at Stella (Kaye Abad) matapos mamatay ang kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano lalampasan ni Annaliza ang huling hamong ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending