HOROSCOPE MARCH 13, 2014 | Bandera

HOROSCOPE MARCH 13, 2014

Madam Sophia - March 13, 2014 - 01:46 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming suwerte! Pero hindi ka dapat matuwa, mabilis ding huhupa ang magandang kapalaran. Matuto  kang mag-tipid at magsinop para sa kinabukasan. Sa pag-ibig, tuloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.   
 
 
Aries – (Marso 21-April 19)— May paglalakbay na darating, sunggaban mo agad, pagkakataon mo ng umunlad. Sa pag-ibig, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya, kaysa nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Shadja-Om-Dhaivata.” Orange at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Iwasang makipagtalo! Sa sandaling nasuong sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa pag-ibig at sa lahat ng bagay, panatiliin ang pagiging mahinahon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” White at blue ang buenas.

 (Gemini – (May 21-June 21)—  Humingi ng pabor sa mga nakakataas sayo, makikita mo pagbibigyan ka nila! Sa pinansyal, habang tinutulungan ka ng iba, lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, bigyan  ng pabor ang kasuyong Libra, gagantihan ka nya ng masarap na romansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dominum-Miraculum-Om.” Blue at pink ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)—  Panahon na upang lumaban. Sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kang uunlad. Sapag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Capricorn. Mapalad ang 2, 11, 19, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trium-Agla-Om.” Yellow at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   Maiinis ka na naman, habang hindi umaayon sa gusto mo ang mga pangyayari! Hindi ka dapat magpa-apekto, ituloy lang ang gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang trip ng kasuyo, upang hindi kayong mag-away. Mapalad ang 1, 8, 21, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Factum-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Panatiliin ang pagiging masaya, upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, kulang ka lang sa romansa, kaya ka tumatamlay. Mamaya yayain ang kasuyo sa isang pribado at tahimik na silid. Mapalad ang 4, 10, 19, 23, 28 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Homine-Cumuntatus-Om.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—   Hindi matatapos ang araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa kasuyong ma-pera! Mapalad ang 7, 11, 20, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi na maibabalik ang nakaraan. Wag mabuhay sa panghihinayang!  Sa pag-ibig, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong pangit. Sa pinansyal matutong mag-ipon para hindi na uli maubos ang pera. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Darshana-Om-Jehana.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Sa pinansyal, kahit na medyo kuripot ka, nakapagtatakang dating parin sayo ng dating ang suwerte. Ganyan talaga ang madasalin. Ipagpatuloy ang paghingi ng awa sa Maykapal Lord, upang lalo ka pang pagpalain.  Mapalad ang 7, 17, 26, 39, 40, at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Dosya-Aum-Thona.” Lilac at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—   Kapag tuluyan ng nagapi ang takot magsisimula ng umasenso at yumaman. Tandaang upang umunlad, sugod lang ng sugod! Sa pag-ibig, ang pangamba ay nasa isip lang – tuloy ang lihim na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yohana-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—    Bagamat may mga kontrabida na naman sa buhay mo, wag mo silang intidihin. Ituloy ang naisip na paraan upang magkapera, sa bandang huli yayaman ka. Sa pag-ibig, ano ba ang paki-alam nila ang mahalaga –  masaya ka! Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Agla-Deva-Om.” Yellow at gold ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—   Tama ang style tahimik lang! Kahit unti-unti ng yumayaman, wag ipapahalata sa mga kapit bahay, upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, wag mo ring ipahalata ang pagiging sweet ninyo ng iyong kasuyo upang hindi kayo kaiingitan. Mapalad ang 6, 18, 21, 24, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Lilac at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending