Osang walang awa, pati mga anak ginugulangan sa pera | Bandera

Osang walang awa, pati mga anak ginugulangan sa pera

Cristy Fermin - March 12, 2014 - 03:00 AM


Maraming nagtatanong sa amin kung sino ang aktres na tinutukoy ni Onyok sa Startalk na nagbigay nang singkuwenta mil sa kanyang inang si Rosanna Roces para iabot sa kanyang kapatid na si Grace Adriano pero hindi naman nakarating.

Sa pagsasalaysay ni Onyok ay parang kinangkong ng mommy niya ang halaga, maliit na bahagi lang ang nakarating kay Grace at sa kanyang girlfriend, dahil ipinang-casino ni Osang ang pera.

“Binibigyan niya naman ng pera ang ate ko, ten thousand kunwari, pero kinagabihan, e, kinukuha rin niya uli at ipinagsusugal niya,” pagdidiin pa ng bunsong anak ni Osang.

‘Yun ang naging rebelasyon ni Onyok, hindi lang nagdodroga ang kanyang ina kundi nagsusugal pa, kaya sinakop na nga yatang lahat ng dating sumikat na sexy star ang mga bisyo sa mundo.

Tungkol sa aktres na nagbigay nang fifty thousand kay Osang ay puro clue lang ang maibibigay namin. Kahit kasi sa Startalk ay naka-bleep ang pangalan nito, kaya bilang respeto sa talk show ay hindi rin namin ito papangalanan, pakitalasan na lang po ang inyong pangdamdam.

Sikat na sikat ang nasabing aktres, minsan na itong nakasama sa isang serye ni Osang, ngayon ay magkasama na naman sila sa isang pelikula dahil parang iisa na lang yata ang nagma-manage sa kanila.

“Saka marami silang pinagkakasunduan sa buhay, pareho ang likes at dislikes nila, bukod pa sa meron talaga silang pinagkakasunduang kung ano,” bitin na komento ng aming source tungkol sa dalawang aktres.

‘Yun na ‘yun! Siguro ay dinramahan din ni Osang ang female personality na maysakit ang kanyang ina at anak, kaya dahil sa awa, nagmagandang-loob naman ang aktres pero hindi naman pala nakarating ang perang ibinibigay nito sa dapat kapuntahan.
Ubos!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending