IKA-2 SUNOD NA PANALO NAKUHA NG SAN MIGUEL BEER | Bandera

IKA-2 SUNOD NA PANALO NAKUHA NG SAN MIGUEL BEER

- March 10, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Alaska vs Meralco
8 p.m. San Mig Coffee vs Global Port

SUMANDAL ang San Miguel Beer sa malakas na panimula bago napigilan ang ilang ulit na ratsada ng Barangay Ginebra San Miguel para iuwi ang 112-96 pagwawagi sa kanilang 2014 PBA Commissioner’s Cup game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Si San Miguel Beer import Josh Boone ay gumawa ng 32 puntos at 21 rebounds para pamunuan ang Beermen, na umangat sa 2-0 kartada bagamat hindi nakasama ang pambatong sentrong si June Mar Fajardo.

Ang 6-foot-10 na si Fajardo ay hindi nakapaglaro bunga ng sprained left ankle.

Agad namang iniwanan ng San Miguel Beer ang Barangay Ginebra matapos magbuhos ng 37 puntos sa unang yugto ng laro kung saan kinamada ni Marcio Lassiter ang 10 sa kanyang 15 puntos.

Si Arwind Santos ay nagtapos na may 18 puntos habang si Sol Mercado ay nagdagdag ng 14 puntos para sa Beermen.

Pinamunuan ni Leon Rodgers ang Barangay Ginebra sa ginawang 33 puntos habang sina Mark Caguioa, Greg Slaughter at Chris Ellis ay nag-ambag ng 15, 13 at 10 puntos para sa Gin Kings.

Samantala, muling pumuntos ng malaki si Joshua Dollard para tulungan ang Barako Bull na malusutan ang Rain or Shine, 110-106.

Si Dollard, na gumawa ng 45 puntos sa masakit na 108-104 pagkatalo sa kamay ng Barangay Ginebra noong Biyernes, ay kumamada ng 44 puntos at humablot ng 19 rebounds para pangunahan ang Energy na nakubra ang unang panalo.

Nag-ambag si Willie Miller ng 19 puntos habang sina Dennis Miranda at Ronjay Buenafe ay may 13 at 11 puntos para sa Barako Bull.

Pinamunuan naman ni Alex McLean ang Elasto Painters sa kinamadang 21 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagdagdag si Paul Lee ng 15 puntos habang sina Beau Belga at Gabe Norwood ay may 11 at 10 puntos para sa Rain or Shine na nalasap ang unang pagkatalo ngayong kumperensiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending