SA loob lamang ng tatlo hanggang limang araw ay maaari nang makuha ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ang kanilang salary loan.
Kung dati ay aabutin ng halos dalawang linggo bago maipadala ang tseke sa mga miyembro na naga- –avail ng salary loan sa ngayong pinaigting na proseso, otomatiko nang ipapasok sa SSS CITI Visa prepaid card ang loan.
Kahapon lamang ay pormal na inilunsad ng SSS, katuwang ang Citibank ang SSS Citi Visa, Prepaid Card. Ibibigay nang libre ang card para sa mga miyembro nag-aavail ng salary loan.
Ngunit sakaling mawala o masira ang card, P150 naman ang para sa replacement nito. Ito ay balido sa loob ng tatlong taon.
Sa halip na maghintay ng dalawang linggo para sa pagpapadala ng tseke at saka ipapa-encash, sa nasabing card, tatlo hanggang limang araw ay nasa card na ang ini-loan.
Maaari itong gamitin sa withdrawal o isa-swipe lamang ang card kung may nais na bilihin sa anumang Visa-accredited merchants sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Wala namang ipapataw na dagdag na charges o fees sa withdrawal transactions ang SSS maliban na lamang sa kaltas na ipinapataw ng ibang ATM machines ng mga bangko. Bukod pa na zero maintaining balance ito.
Kapag ang isang miyembro ay mayroon ng SSS Citi Visa card, kasama na rin sila ng lahat ng promotions na iniaalok na Visa partner merchants
Ang SSS Citi Visa Prepaid Card ay maaaring gamitin sa may 15,000 automated teller machines (ATMs) at 200,000 visa partner merchants.
Itinuturing itong “win- win solution” para sa mga miyembro dahil tinitiyak na ito ay kumbinyente at ligtas para sa mga nag-aavail ng salary loan. Tinitiyak din na ito ay ligtas sa anumang uri ng scam o ATM hackers.
Sa kasalukuyan, ang SSS Citi Visa Card ay maaari lamang makuha sa SSS main office, Diliman Quezon City at SSS Makati Buendia.
Emilio De Quiros Jr.
President and Chief Executive
Social Security System
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.