Kim bukas na ang puso sa pagbabati nila ni Maja | Bandera

Kim bukas na ang puso sa pagbabati nila ni Maja

Reggee Bonoan |March 07,2014
facebook
share this

Kim bukas na ang puso sa pagbabati nila ni Maja

Reggee Bonoan - March 07, 2014 - 03:00 AM

KIM CHIU AT MAJA SALVADOR

SA grand presscon ng Ikaw Lamang noong Miyerkules ng gabi ay natanong ang Prinsesa ng Teleserye na si Kim Chiu kung paano niya hihilingin ngayon sa kanyang loyalistang fans na suportahan din ang tambalan nila ng award-winning actor na si Coco Martin.

“Ako naman, every project naman ay hinihingi ko talaga ang suporta ng mga nagmamahal at sumusuporta sa akin at ito na ulit, humihingi ulit ako ng suporta sa kanila na suportahan nila ako tulad ng ibinigay nilang suporta sa buong journey ko rito sa showbiz,” tugon niya.

Mukhang suportado naman si Kim ng loyalistang fans niya maski na sino pa ang ipareha sa kanya dahil base sa attendance ng mga dumating din sa grand presscon ng Ikaw Lamang ay halos kumpleto ang representative ng bawat club.

Samantala, kumalat sa social media ang litratong magkasama sina Kim at ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson para sa pictorial ng ineendorso nilang produkto.

Nakabuo agad ng isyu na kesyo hiwalay na raw sina Gerald at Maja Salvador dahil sa balik-tambalan ng Kimerald.

Katwiran ni Kim, “Work is work. Trabaho, and we are very happy na pinagkakatiwalaan kami. Siguro, sa time na dumaan, siguro maturity itself.”

Kung okay na sina Maja at Sarah Geronimo na naugnay din kay Gerald ay natanong si Kim kung kailan naman sila magkakaayos ng dati niyang bestfriend? “Sa circle namin dito sa showbiz, magkikita at magsasama at magsasama yan, mag-uusap at mag-uusap kaming lahat,” kaswal na sagot ng dalaga. Ibig sabihin, bukas na ngayon ang isip at puso ni Kim sa pakikipag-ayos kay Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending