Dagdag teams sa PBA | Bandera

Dagdag teams sa PBA

Barry Pascua - March 05, 2014 - 03:00 AM

MATAGAL-TAGAL na rin naman nang huling magkaroon ng expansion ng membership ang Philippine Basketball Association (PBA). Parang 1990 pa huling nangyari ito nang magkasabay na tinanggap ng liga bilang miyembro ang dalawang soft drink companies na Pepsi Cola at Sarsi.

Bunga nito’y naging sampu ang bilang ng mga koponan sa PBA. At itona ang nakagisnan ng mga batang fans ng pro league.
Ang Pepsi Cola ay unang hinawakan ni coach Ed Ocampo na matagal nang namayapa.

Buhat sa Pepsi ay naging Seven-Up ang team at pagkatapos ay Mobiline at ngayon ay Talk ‘N Text. Matagal bago nakaangat ang prangkisang ito at marami itong sinubok na coaches at players.

Nang mapunta ang ownership ng team kay Manny V. Pangilinan at saka lang talaga ito nagtagumpay. Hindi ba’t tatlong sunod-sunod na Philippine Cup titles ang napanalunan ng Tropang Texters bago nabigo sa nakaraang conference?

Maaga namang naging successful ang Sarsi na tinawag ding Swift Mighty Meaty Hotdogs noon. Ang coach na nakapagbigay ng kampeonato dito ay si Joseller “Yeng” Guiao. Kabilang sa mga manlalaro ng Swift noon sina Al Solis, Kenneth Duremdes, Vergel Meneses, Bonnel Balingti at Nelson Asaytono.

Pero bagamat nagkampeon ang prangkisa ay hind ito nagtagal sa PBA at maaga ring nawala. Gaya nga ng nasabi natin, nakagawian na ang sampung teams sa PBA. May mawawala, may papasok.

Hindi mababawasan ang bilang ng miyembro, hindi madadagdagan. Mahigit sa dalawang dekada na ang ganitong kalakaran.
Tuloy, marami ang nagsasabi na ayaw dagdagan ng PBA ang bilang ng mga miyembro dahil sa mababawasan ang recognition ng mga existing teams kung advertising exposure ang pag-uusapan.

Mayroon ding nagsasabing, wala naman daw gustong mag-apply ng membership dahil sa masyadong expensive ang mag-maintain ng team sa PBA.  Well, hindi natin alam ang tunay na dahilan.

Pero alam natin na mababago na ang lahat. Madaragdagan na ang bilang ng mga miyembro. Kasi, sa ilalim ng pamamahala ni chairman Mon Segismundo, isa sa kanyang target ay ang pagdagdag ng miyembro,

Bukas ay tatalakayin sa Board meeting ng PBA ang application ng dalawang kumpanya  — ang Blackwater o Ever Bilena at ang Kia Motors.

Sa totoo lang, matagal nang gustong magbuo ng team sa PBA ang kumpanya ni Dioceldo Sy. Kahit pa bago nagkaroon ng PBA D-League ay target na ito ni Sy na dating chairman ng Philippine Basketball League (PBL).

Hindi nga lang matuloy-tuloy ang kanyang application. Pero ngayon ay walang turning back. Ang Kia naman ay isang kumpanya ng kotse na nagpapalakas sa Pilipinas.

Maraming mga brands ng kotse sa ating bansa at hindi naman ganoon kataas ang sales ng Kia. Kung mapapasali sila sa PBA, malamang na masundan nila ang yapak ng Toyota na isa sa mga founding members ng liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalakas silang tiyak sa automotive industry ng bansa. Pero teka, hindi lang daw dalawa ang nag-aaply!  Ilan ba talaga ang tatanggaping bagong miyembro?  The more the merrier!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending