Suwerte sa abroad at pag-ibig | Bandera

Suwerte sa abroad at pag-ibig

Joseph Greenfield - March 05, 2014 - 03:24 AM

Sulat mula kay Karen ng Sitio Dacudao,
Agdao, Davao City  
Dear Sir Greenfield,
DOMESTIC helper ako mula 2007 hanggang 2010, pero naubos na ang kinita at naipon ko simula nang magkasakit ang father ko. Ako kasi ang gumastos sa lahat ng kanyang pampagamot. Ngayon po ay nag-aaplay na naman ako sa abroad, pero ang tagal-tagal na ng papeles ko sa agency na inaaplayan ko ay hanggang ngayon di pa rin ako na-papaalis. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makaalis ngayong taong? At kung sakaling maka-alis ako, magiging maganda kaya ang kalagayan ko sa bansang pupuntahan ko? Siya nga po pala, dahil sa pag-aasikaso ko sa aming pamilya ay nakalimutan ko na ang love life ko. Sa edad ko po bang 32 sa darating na May 25, makapag-aasawa pa kaya ako?
Umaasa,
Karen ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat huli na ng dumating at gumuhit ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), sa iyong palad, hindi mapapasubaliang makapal at malinaw ang nasabing “guhit ng pag-aasawa.” Ibig sabihin, kahit 32 years old ka na ay makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng isang maunlad at masayang pamilya.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Five of Hearts at King of Clubs ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2015 ay isang lalaking mabait at responsible sa buhay ang iyong mami-meet. Sa inyong pagtatagpo, isang masaya at maligayang suyuan ang mabubuo. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending