SAN ANTONIO — Kumamada si Tony Parker ng 22 puntos at pitong assists sa kanyang pagbabalik mula sa anim na larong pahinga para pamunuan ang San Antonio Spurs sa 112-106 pagwawagi laban sa Dallas Mavericks sa kanilang NBA game kahapon.
Si Tim Duncan ay umiskor ng 17 puntos, si Kawhi Leonard ay nagdagdag ng 16 puntos at si Boris Diaw ay may 13 puntos at 10 rebounds para sa San Antonio. Nag-ambag naman si Manu Ginobili ng 15 puntos at pitong assists habang si Tiago Splitter ay may 11 puntos para sa Spurs na pinalawig ang winning streak sa tatlong laro.
Si Dirk Nowitzki ay gumawa ng 22 puntos, si Vince Carter ay nagdagdag ng 21 puntos at si Monta Ellis ay may 17 puntos para sa Mavericks, na natalo ng walong sunod sa Spurs.
Gumawa si Chicago center Joakim Noah ng 13 puntos, 12 rebounds at 14 assists para itala ang ikalimang career triple-double at pamunuan ang Bulls sa panalo kontra New York Knicks, 109-90.
May pitong manlalaro ang Chicago na nakaiskor ng double figures sa ikasiyam nitong panalo sa huling 10 laro. Umabot din ang Bulls sa 100 puntos sa ikaapat na diretsong laro sa unang pagkakataon magmula noong Oktubre 30-Nobyembre 5, 2010.
Kinamada naman ni D.J. Augustin ang 21 sa kanyang 23 puntos sa ikaapat na yugto para sa Chicago (33-26) na umangat sa 21-8 magmula noong Enero 1.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.