Mauubos ba kami? | Bandera

Mauubos ba kami?

Joseph Greenfield - February 25, 2014 - 03:27 AM

Sulat mula kay Nilda ng Sapian, Capiz

Dear Sir Greenfield,

Nang magkahiwalay ang mga magulang, bumagsak din ang buhay ko. Mawalan ng giya ang aking buhay at ang pinakamalaking dagok ay huminto ako sa pag-aaral. Dahil dito, wala na akong pag-asang makatuntong sa unibersidad. Hindi ko alam kung magpapakita pa o babalik ang tatay ko sa amin. Nagsabi na ang nanay ko na hindi na niya kayang buhayin kaming magkakapatid. Dumarami na ang mga utang namin kaya kaming magkakapatid ay naghahanap na ng trabaho. Mabubuo pa kaya ang pamilya namin? Kahit tindera ay inaaplayan ko na. Makaaahon pa ba kami sa hirap o dito na kami mauubos?

Umaasa,

Nilda ng Sapian, Capiz

Solusyon/Anlysis:

Palmistry:

May Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, bagamat hindi pa ngayon, makapag-a-abroad ka at sa pamamagitan ng nasabing pangingibang bansa, doon na nga magsisimulang maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya.

Cartomancy:

Bagamat mahirap, makakaya ninyong mapaunlad ang inyong pamilya kahit wala na ang iyong ama, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades at Seven of Hearts. Ganu’n pa man, sa bandang huli ang King of Diamonds ang nagsasabing muling makapag-aasawa ng may kaya sa buhay ang nanay mo. Ito ang isa sa mga magiging dahilan upang ikaw ay makapangibang bansa. Habang tinutulungan kayo ng nasabing lalaki, tuluy-tuloy ng giginhawa ang pamumuhay ng inyong pamilya. Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending