Roxanne Cabanero posibleng kasuhan ni Vhong ng perjury | Bandera

Roxanne Cabanero posibleng kasuhan ni Vhong ng perjury

Cristy Fermin - February 25, 2014 - 03:00 AM

VHONG NAVARRO AT ROXANNE CABANERO

Hindi pinaghandaang mabuti, no perfect crime, soplaks na soplaks. Ganu’n kung ilarawan ng ating mga kababayan ang ora-oradang pakikisawsaw sa kontrobersiya ng isang babaeng nagngangalang Roxanne Acosta Cabanero.

Mula sa kung saang puno ng sampalok ay biglang umeksena ang babae, kinasuhan niya si Vhong Navarro ng rape, naganap kuno ang panghahalay sa kanya ng aktor nu’ng gabi ng April 21, 2010.

Bukod sa napatunayang nasa Island Cove sa Cavite si Vhong nu’ng gabing ‘yun dahil guest ito sa concert ni Vice Ganda ay may isa pang matinding pahayag sa kanyang sinumpaang-salaysay ang Roxanne na ito na tunay namang bumabasag sa kanyang mga akusasyon kay Vhong.

‘Yung sinasabi niyang lugar kung saan siya sinundo ni Vhong bago siya hinalay sa sasakyan nito, matigas nang pinabulaanan ng mismong empleyado ng hotel na walang Roxanne Acosta Cabanero na naka-check-in du’n nu’ng April 24, 2010, maging ang mga kagrupo niyang sinasabi ng dalaga sa kanyang affidavit ay wala rin sa nasabing hotel nu’ng mga panahong ‘yun.

Sino ba kasi ang nakatuwang ng babaeng ito sa pagbuo ng kanyang affidavit, bakit butas-butas ‘yun, bakit mali-mali ang mga petsang inilagay niya?

Pinal pa naman ‘yun kapag nasumpaan na, hindi na puwedeng bawiin pa, du’n pa lang ay puwede na siyang kasuhan ng perjury dahil nagsinungaling siya under oath.

Saan mauuwi ngayon ang kasong rape na isinampa ni Roxanne laban kay Vhong Navarro? Ano ang mangyayari sa kanyang demanda laban sa aktor?

Ang iniisip n’yo ba ay katulad din ng aming iniisip sa mismong mga oras na ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending