Si Aguinaldo at ang bayan ng Malolos | Bandera

Si Aguinaldo at ang bayan ng Malolos

Ige Ramos - February 24, 2014 - 03:00 AM


Sa pagdiriwang ng ika-400 na taon ng pagkakatatag ng lalawigan ng Cavite, nais kong talakayin ang kasaysayan nito na may kaugnayan sa pagkain.

Marami na ang nailimbag na aklat ukol sa mga dakilang mamamayan ng Cavite, subalit mabibilang lamang sa daliri sa isang kamay ang mga sanaysay ukol sa mga pagkain na naging bahagi rin ng kasaysayan ng probinsya.

Kaya sa mga susunod na edisyon ng Bandehado ay naisip kong magbigay- pugay sa aking tinubuang lalawigan dahil di kaila sa marami, mayaman din ito sa mga pamanang pagkain.

Malalim ang kaugnayan ng  lalawigan ng Cavite at ang bayan ng Malolos sa Bulacan dahil sa bayang ito ginanap ang kaunaunahang pagtitipon ng mgs mambabatas o kilala bilang Malolos Congress kung saan ipinagtibay ang kaunaunahang saligang batas ng Pilipinas bunsod sa deklarasyon ng kasarinlan ng Republika noong ika-12 ng Hunyo 1898.

Sa plaza ng Barasoain ay matayog na nakatindig ang rebulto ni Gen. Emilio Aguinaldo na nakadamit-sibilyan. Pinapahiwatig dito na tapos na ang digmaan.

Sa tapat nito ay isang obelisk kung saan nakalista ang talaan ng mga pangalan ng mga delegado ng Malolos Congress.
Sa bandang ibaba naman nito ay nakasulat ang mga tanyag na labanan at mga mahahalagang tagpo ng rebolusyon tulad ng Binakod, Kakarong, at Biak na Bato.

Noong ika-10 ng Septyembre 1898 hanggang ika-31 Marso 1899, pansamantalang inilipat ni Gen. Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo mula sa Bacoor, Cavite sa bayan ng Malolos dahil sa napipintong Digmaang Pilipino-Amerikano.
Pinulong ni Gen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos sa simbahan ng Barasoain upang ibalangkas ang Saligang Batas noong ika-15 ng Septyembre 1898 at ipinatupad ito noong ika-23 ng Enero 1899.

Dahil dito, kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa mga unang republika sa Asya.Noong ika-29 ng Septyembre 1898, ginanap ang isang mahalagang piging sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ito ang hapunan upang ipagdiwang ang pagpapatibay ng Saligang Batas. Inilathala pa ito ng isang American war correspondent na nasa Pilipinas upang isulat ang mga kaganapan sa digmaang Espanyol-Amerikano para sa pahayagang Harpers.

Mababasa sa Harpers ang menu ng hapunan na dinisenyo ni Arcadio Arellano. Ang menu ay nasa anyo ng bandera ng Pilipinas na may nakasulat na “Solemne Ratificacion De La Independencia Filipina” o Taimtim na Pagpapatibay ng Kasarinlan ng Pilipinas.

At kapag binuksan ito, matutunghayan ang mga katagang “Libertad,” “Fraternidad,” at “Igualidad”, ang mga salitang isinigaw ng Rebolusyonaryong Pranses noong 1789.

Nakasaad din dito ang petsa ng pagdiriwang at ang listahan ng pagkain na nakasulat sa wikang Pranses na isinalin ko sa wikang Pilipino:
Diner  | Hapunan
Potage | Sopas – Consommé de Volaille à la royale | Sabaw ng manok
Relevé |  Pampagana – Poisson sauce blanche | Emblanco
Entrées | Pangunahing kurso –  Croquettes à la Philippinoise | Croquetas; Sucisse de Poulet à la Republique | Langgonisang manok; Boeuf ladres | Karne ng baka; Pigeons aux champignons | Kalapati na may kabute
Roti | Inihaw – Chapon doré | Ginintuang kapon (isang uri ng malaking manok, lechon manok)
Salade | Ensalada – Saison | ng Panahon
Légumes | Mga Gulay – Aubergine farcies | Rellenong talong; Haricots verts sautés | Ginisang habichuelas
Entremets | Pampalamig  – Glace Moka Parisienne | Sorbetes na Mocha estilong Paris
Dessert | Himagas – Fromage, Fruits, Confiture | Keso, Prutas at Halaya
Vins | Mga Vino – Bordeaux, Sauterne, Xerés, Champagne
Liquers | Mga Alak – Chartreurs, Verte Cognag, Anisette
Café, Thé | Kape, Tsa-a

Bakit sa wikang Pranses ang ginamit at hindi Tagalog o ibang wikang katutubo ang ginamit sa paglilista ng mga pagkaing hindanda?

Para kay Aguinaldo at sa ngalan ng lupon ng mga rebolusyonaryong mambabatas, ang wikang Pranses ay wika ng diplomasya at pagkain.

Sa paggamit ng wikang ito ay ipinakikita ang Pilipinas bilang isang dakila at malayang republika na maaaring ihanay sa pandaigdigang entablado.

(Kung may mungkahi, reaksyon o katanungan, mag-text po lamang sa Smart: 0947 693 0231 at sa Globe/TM: 0936 591 6348. Huwag kalimutan isulat ang pangalan at lugar. Salamat.)

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa   artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera?  I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.)

Croquetas de Pollo
(Croquettes of chicken served with aioli sauce)
Serves 6-8
(Recipe courtesy of Chef Miguel de Alba of Alba’s Restaurante Español, with branches in Polaris St. Bel-Air Makati City, Tomas Morato corner Scout Lozano, Quezon City, and Westgate Center, Commerce Ave., Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City.)
Ingredients        
1 kilo chicken, one whole
¼ cup olive oil
¼ bar butter
¼ kilo onions, chopped
50 grams red pepper, chopped
50 grams green pepper
200 grams glour
2 cups  fresh milk
Salt and white pepper, to taste
For the coating
Flour, sifted
Eggs, beaten
Breadcrumbs

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Procedure
Boil chicken and cool. Debone and chop finely, set aside. Heat oil and butter. Sauté onions and peppers. Add flour and continue cooking until flour turns pale in color. Add milk and whisk continuously for 2-3 minutes. Add chicken meat, white pepper, salt. Continue mixing until mixture detaches from pan. Remove from heat and spread in a tray. Form into small egg shapes. Coat with flour, dip in beaten eggs and roll in bread crumbs.
To store
Sprinkle tray with bread crumbs. Arrange pieces on tray. Sprinkle top with bread crumbs. Refrigerate and dip fry only before serving.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending