Marian mabubuntis daw, hihiwalayan si Dindong | Bandera

Marian mabubuntis daw, hihiwalayan si Dindong

- December 03, 2011 - 03:03 PM

Ayon sa   naglalabasang mga hula-hula
‘OK lang ‘yun! Basta mahal namin ang isa’t isa!’

This early ay marami nang naglalabasang mga hula about your favorite celebrities, at isa sa paboritong paksa nga ng mga manghuhula ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. One of the predictions about the magdyowa ay maghihiwalay daw sila sa 2012.

May nagsasabi rin na may ibang lalaking makakabuntis daw kay Marian. Nakausap ng ilang entertainment writers si Dingdong sa Christmas party for the press nu’ng Thursday na ibinigay ng kanyang manager na si Perry Lansigan with his PPL Entertainment kasama ang iba pa nitong talents.

Ano bang masasabi ni Dingdong sa mga hulang ito? “Okey lang! So far, hindi rin naman sila consistent. Dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng ganu’ng hula.


“Okey lang ‘yun. Kanya-kanya namang hula ‘yan. Kahit ako, nanghuhula rin ako. Na…laru-laro lang, di ba? Pero ayos lang ‘yon. Ayos lang ‘yun.

“Nagkataon lang siguro na nanghula sila, e, na-publicize. So, if that’s their opinion, okey ako doon. Basta ang importante, ‘yung commitment at pananalig sa katotohanan at sa Diyos. Iyon na yun.

“At matibay ‘yung bond ng pagmamahal namin ni Marian sa isa’t isa. Matibay na matibay,” chika pa ng aktor.

Wala pa rin daw silang planong magpakasal ni Marian, “Hindi pa namin napag-uusapan. ‘Yung ganyan naman, sa tamang panahon.”

Sa darating naman na Pasko, mas trip ni Dingdong na mag-stay lang sa bahay, “I just want to stay home. Tapos, ‘yung gitna ng Christmas at New Year, gusto kong pumunta sa malayong lugar ng konti,” siyempre, kasama pa rin niya diyan si Marian.

“‘Yun lang. Gusto naming magpunta sa Boracay siguro. After Christamas iyon.”

Sa ngayon, tinatapos na ni Dingdong ang entry nila ni Kris Aquino sa MMFF 2011, ang “Segunda Mano” directed by Joyce Bernal. Nagsimula na rin siyang mag-taping para sa susunod na teleserye niya sa GMA 7, ang Beloved kung saan makakasama niya uli si Rhian Ramos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending