Text ni Luis: Jennylyn bawal daw kausapin sina Gov. Vilma at Edu

By Jobert Sucaldito February 20,2014
share this

Text ni Luis: Jennylyn bawal daw kausapin sina Gov. Vilma at Edu

By Jobert Sucaldito February 20,2014
share this


FOR the longest time ay wala talagang lumalabas na item tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayang-Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Napakaraming speculations ang naglabasan pero walang kumpirmasyon ang mga ito.

Pati pangalan ni Angel Locsin ay nasabit – sinasabi ng fans nina Luis at Jennylyn na ang third party sa break-up ng dalawa ay si Angel.

Kasi nga, nagbalikan na sina Angel and Luis at inamin na ni Luis ito sa Buzz Ng Bayan last Sunday to the point na tinawag pa nga raw ni Luis na ignorante at tanga ang mga tagahangang hindi nakakaintindi at gumagawa ng isyung si Angel daw ang third party.

In short, napikon na si Luis in a way. Meron pa siyang sinabing “My family knows the reason. My friends know the reason. People close to us know the reason…” or something to that effect.

So, what’s the real reason ba talaga? Kasi nga nagtatanong ang mga tagahanga ninyo. Bakit kailangan nilang malaman ang dahilan? Kasi nu’ng naging kayo ni Jennylyn ay in-involve ninyo ang mga fans ninyo.

In-involve din naman ninyo ang press, kahit nasa magkalabang networks kayo ay hindi kayo binaboy ng madlang people dahil nirespeto din naman nila ang relasyon ninyo.

Kung ayaw ninyong ipaalam sa kanila ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay, me konting risk nga lang sa ganoon, may iba’t ibang speculations talagang lalabas kasi nga public properties kayo and in fairness, sikat kayo.

Mapag-uusapan talaga. And there are some fans out there na apektado pag naghihiwalay ang mga idolo nila. Aware ka ba na hindi lang iyan ang kumalat na speculations sa mga tao sa labas?

Merong nagsasabing baka kayo naghiwalay dahil baka nahuli ka ni Jennylyn na merong kaulayaw na lalaki because some of them questions your sexuality – dala na rin siguro ito ng madalas ninyong landian dati ni Billy Crawford kaya napagdududahan kayong mga badingding.

Merong nagsasabing baka si Angel nga ang nasa likod ng break-up ninyo; may nagsasabing baka nahuli mong may ibang lalaki si Jennylyn; may nagsasabing baka sa pera – nagkaproblema kayong dalawa sa pera; merong nagsasabing ganito, ganoon.

“Pero wala siyang karapatang pagsabihan kami ng ignorant at stupid. Kung tutuusin, he partly owes his career to us. Kung hindi namin siya sinuportahan sa palagay ba niya ay tatagal siya sa industriyang ito?

Ngayong may pangalan na siya, tatawagin niya kaming ignorant and stupid? F***k!” galit na galit na pagngitngit ng isang tagahanga.

Iyan ang problema kasi sa mga stars natin kung minsan, they think kasi that all the time they must call the shots. May mga pagkakataon na dapat pag-isipan mo ring mabuti ang mga magiging desisyon mo.

Tulad nito, kung talagang ayaw i-share ni Luis ang reason kung bakit sila naghiwalay ni Jennylyn, walang pumipilit sa kaniya pero huwag naman sanang magbitaw ng mabibigat na salita against anyone – be their fans or ordinary netizens na nagsi-speculate lang naman.

Natural lang iyon. Para namang hindi sanay si Luis sa ganoon. Anyway, the other night, a dear friend who is very reliable was just wondering kung bakit ganoon kabigat ang pinadalang text messages ni Luis kay Jennylyn when they broke up.

Here are some of the messages na pinadala allegedly niya kay Jennylyn na finorward sa akin ng source ko – a list of DON’Ts na halos ikaloka ni Jennylyn: “Don’t talk to my dad. Don’t talk to my mom.

Don’t talk to the press. Don’t go to the places we used to go to.” Iyon diumano ang ilan sa mga mabibigat na messages na pinadala ni Luis kay Jennylyn na siyang dahilan kung bakit ganoon na lang ang iyak ng babae.

Totoo nga ba ito, Luis? Can you clear this issue?  But if this is true,  we may also speculate (without being ignorant and stupid, ha!) na meron talagang malalim na pinanggagalingan si Luis to be able to say this to Jennylyn, tama ba?

Kung ayaw pa rin nilang aminin ang tunay na pinanggalingan ng kanilang bad falling out and break-up, we can’t force them pero wala rin silang karapatang pigilan ang mga taong mag-isip ng kung anu-anong teorya, di ba?

Mabuti hindi niya tinext si Jennylyn not to talk to God. It must be something very bad para magalit si Luis, di ba? And for Jennylyn to keep so mum about it, baka isang malaking kahihiyan also on her part para ilantad pa sa public.

For whatever its worth, we are just praying that they both move on gracefully. Lahat naman tayo ay may mga kahinaan sa mundong ito. Not because, halimbawa lang ha, Jennylyn is at fault her, dapat na natin siyang husgahan at kastiguhin.

Kailangang bigyan din natin siya ng pagkakataong maka-make up sa kaniyang pagkakamali – and so with Luis.
Sana ay medyo mag-ingat lang ang mga taong involved sa fiasco na ito sa kanilang mga binibitawang salita para hindi raw sila nakakasakit ng kapwa. Sana.

Still on Luis, di ba’t ilang linggo rin ang itinakbo ng denial nila ni Angel na nagkabalikan na sila? Pinaikot pa nila ang madlang people sa kanilang reconciliation.

Feeling ng iba ay ginagamit muna nila itong pa-hanging effect para makadagdag sa kanilang publicity and when oks na ang lahat, tsaka niya inamin. Kungsabagay, hindi na bago sa amin iyan, that’s a common practice sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending