Dennis naglaway sa offer ng Dos, muntik nang bumalik sa Kapamilya | Bandera

Dennis naglaway sa offer ng Dos, muntik nang bumalik sa Kapamilya

Dinno Erece - February 19, 2014 - 03:00 AM


Muntik nang lumipat ng network si Dennis Trillo.  Pumirma na ng network renewal si Dennis sa GMA and unlike the first three stars given the press con na may tag line at sa Makati ginawa, Dennis and manager Popoy Caritativo signed with GMA sa mismong Kapuso compound at wala siyang tag line so kami na ang nagbibigay sa kaniya bilang GMA Drama King.

As to the GMA compound signing, na feng shui kasi ito ni Popoy na good time for signing a contract ang 3 to 5 p.m. and everyone who will sign the renewal are in GMA so doon na nga naman gawin.

Ilalatag na ang possible projects ni Dennis for this new three-year exclusive contract at uunahan na namin ang PR ng Magpakailanman, maggi-guest sila ni Tom Rodriguez sa said anthology ni Mel Tiangco at this weekend ito iti-tape sa Baguio but for the fans of My Husband’s Lover, hindi sila mga bakla rito kungdi mag-best friend na martial arts expert.

Malamang din daw na hindi na sila gumawa ng part two ng My Husband’s Lover dahil Dennis wants to be challenged naman ng iba pang puwedeng gawin.

And since kami ang unang pinagtanong, ang naging question namin kay Dennis, napabalitang muntik na siyang nakabalik sa original network niya at hindi ito tinanggi ng Drama King.

Kasi raw, exploring option lang siya at talagang maganda rin ang offer sa kaniya pero he decided to stay with GMA dahil napakaganda na nga ng treatment sa kaniya at wala naman siyang problema with GMA.

Kapag lumipat siya at this point, kailangan pa raw niyang magsimula ng pakikisama sa bagong katrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending