HOROSCOPE, FEBRUARY 18, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, FEBRUARY 18, 2014

Madam Sophia - February 18, 2014 - 03:25 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Marami kang alam, pero bakit hindi ka yumaman? Hindi mo kasi ginagawang salapi ang mga kaalaman. Umpisahan na ngayong gawing produkto ang iyong karunungan at ibenta. Sa pag-ibig okey ang ka-relasyong Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Silver at blue ang buenas.
 
Aries – (Marso 21-April 19)—       Magtiwala sa sarili. Isipin mong kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay. Sa pag-ibig malaki ang maitutulong sayo ng kasuyong Sagittarius upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 1, 12, 15, 27,  40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—      Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalawak ang oportyunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala at BFF mas makapamimili ka ng wagas na ka-relasyon. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Lilac  at orange ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—       Regular kang uminom ng multi-vitamins at damihan din ang inom ng tubig. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang karamdaman at mapapanatili ang malakas at malusog na pangangatawan. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Red at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—        Sa pananalapi panahon na upang humingi ng tulong sa isang Capricorn. Siya ang lulutas sa problemang pang-pinansyal. Sa pag-ibig sa isang Capricorn mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 36, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Green at beige  ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—      Tumingin ka sa paligid mo: “May pagbabagong bang nangyayari?” Wala! Dahil ang pagbabago ay kailangang magsimula sa puso mo. Sa pag-ibig, kalimutan na ang relasyong hindi ka naman Masaya bagong kasuyo ang dapat. Mapalad ang 7, 10, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Violet at yellow ang buenas.
 
Virgo – (August 23 – September 22)—       Wag puro trabaho. Pahalagahan ang sandali na kasama mo ang iyong minamahal. Sa ganyang paraan, sa bandang huli ang kasuyo mo ring Capricorn ang magpapayaman sayo. Mapalad ang 4, 14, 22, 32, 37 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—      Sa pag-ibig kapag nagpabigla-bigla ka ng pangungusap, masasaktan mo na naman ang kasuyong Aquarius. Sa pinansyal, sa masinop at maayos na pagsasalita kikita ka ng maraming pera. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—        Ang liwanag ng buwan  ang magbibigay ng kakaibang sigla at lakas upang tapusin ang lahat ng gawain. Sa pag-ibig, bigyan ng sapat na oras ang romansa. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 40 at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—          Wag kang maarte! Hindi dapat tanggihan ang mga bagay na inaalok sayo ng kapalaran. Sa pag-ibig, kung sino ang unang dumating sunggaban mo agad. Sa pinansyal, wag ng isnabin ang mga oportyuniti na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ng 6, 9, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Oml.” Red at Purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—      Gawing inspirasyon ang pamilya upang lalo ka pang yumaman. Sa pag-ibig, ang pagiging tapat sa kasuyong Cancer, ang maghahatid sayo sa walang kahulilip na ligaya. Mapalad ang 7, 18, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Gold at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—       Ang buhay ay tila isang tele-nobela, alalahanin mong ikaw ang bida. Ang mga tiisin sa ngayon ay magbubunga ng ligaya sa araw ng bukas.  Sa pinansyal, habang naglalakad makakapulot ka ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 4, 28, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homine-Om-Homine.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—      Panatiliin ang ugaling matulungin, sa ganyang attitude gagantimpalaan ka ng siksik-liglig na mga biyaya, mangyayari pagsapit ng buwan ng Abril hanggang Mayo. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 2, 16, 23, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padma-Aum-Purana.” Gray at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending