Derek pinag-aagawan ng TV5 at ABS-CBN | Bandera

Derek pinag-aagawan ng TV5 at ABS-CBN

- November 30, 2011 - 03:13 PM

SUCCESSFUL ang operasyon sa mga nabaling buto ni Derek Ramsay na ginawa sa Asian Hospital nu’ng Lunes ng umaga sa pamumuno ng surgeon na si Dr. Vince Gomez na long time friend ng manager ng aktor na si Joji Dingcong.

Dapat sana ay 10 oras ang operasyon pero nakuha lang daw ito ng apat na oras, ayon mismo sa manager ng aktor.

Samantala, naikuwento muna ni Joji sa amin nu’ng Lunes ang senaryo bago naaksidente si Derek nu’ng Linggo sa ginanap na finals ng Frisbee International Tournament na ginawa sa Alabang Country Club.

“Grabe Reggee, awang-awa ako kay Derek, hindi ko na alam kung anong klaseng paliwanag pa ang gagawin ko para tigilan na niya ang frisbee,” bungad kuwento sa amin ni Joji.

“Everytime kasi na may game si Derek, I always watch to support at saka alam mo na and everytime din may mga dala kaming ice bags kasi nga kung maglaro ‘yan, grabe talaga.

“I was with his mom tapos mainit na ‘yung araw, so sabi ko sa mommy ni Matteo (Guidicelli) kay Glena since taga-Alabang din sila, sabi ko, puwedeng doon muna kami mag-stay sa kanila kasi mainit na, pababain lang muna namin ‘yung araw, so we went there together with the mom of Derek.

“Tapos bandang hapon, bumalik na kami, hindi naman sumama ang mommy ni Matteo kasi magsisimba pa raw sila, so kami na lang ng mommy ni Derek, tapos habang papunta na kami, may nakita na kaming ambulansiya at sketcher. Sabi ng mommy ni Derek, ‘Naku, si Derek ‘yan, si Derek ‘yan.’ Sabi ko, mommy naman ‘wag ka namang magsalita ng ganyan, hindi naman, but in my mind, baka totoo nga.

“At nu’ng tumingin na nga kami sa field, hindi ko na makita si Derek, ‘yun pala hayun, binuhat na sa sketcher, sabi ng mommy ni Derek, ‘I told you’. So akala ko the usual na accident lang, nagulat kami, Reggee, lumabas daw ‘yung buto, naku, buti na lang hindi namin nakita,” tuluy-tuloy na kuwento ni Joji.

At tinanong namin kung nadalaw na niya si Derek sa hospital nu’ng Lunes, “Hindi pa, papunta palang ako now (Lunes) and I heard tapos na ang operation, his (Derek) family was there, Angel (Panganiban) was there, too.

“Four hours lang tumagal ‘yung operation kasi mahusay talaga ‘yung surgeon niya, kaibigan ko si Dr. Vince Gomez, pinakamahusay sa Pilipinas. Sabi nga niya, ‘O, Joji, Derek can play again, it’s like brand new.’ Sabi ko, Vince, don’t tell Derek na he can play again, sabihin mo hindi na, sabi sa akin ni Vince, ‘Joji, Derek knows it, hindi naman ako puwedeng magsinungaling sa pasyente.’

“Kaya ‘yun talaga ang worry ko, baka kapag magaling na ulit, maglalaro na naman. Pero sabi ko, sa hospital muna siya mag-rest, hindi siya puwedeng lumabas muna, I have to cancel all the guestings and commitments, alam naman nila ang nangyari siguro,” pahayag pa ng manager.

Ang masaklap na balita since naaksidente na nga si Derek ay natalo pa sila sa game nila nu’ng Linggo, “Sobrang pressured si Derek that time, kasi nga mainitan na ang laban, parang two points lang ang lamang, so ang teammates ni Derek, ibinigay na sa kanya ang game. So, si Derek, he gave his 200% sa game.

“Iba talaga ang takbo ng utak ng mga sportsman, Reggee, kaya talagang dinadasal-dasal ko, tigilan na ni Derek ang sports niya, nakakanerbiyos talaga kapag may mga ganu’ng pangyayari,” pahayag ni Joji sa amin.

Sa tweet naman ni Derek bandang hapon nu’ng Lunes pagkatapos ng kanyang operasyon, “4 hour surgery done. Feeling groggy”. Na sinundan pa ng isa pang tweet bandang gabi na, “Thanks so much for the fruits and flowers. Love my Eastwest family. Tnx ABS-CBN for the flowers. Tnx TV5 for the flowers. Tnx to my sting family for the fruits and flowers. Much appreciated.

“Tnx to my family and angel for being there for me!!! Thanks to all you for all your prayers and tweets. You all helped me get through this. Tnx for all ur tweets. Still can’t feel my arm. 15 screws and 3 plates pala. :(.”

Samantala, tinanong namin si Joji kung bakit nagpadala ng bulaklak ang TV5 sa aktor? Senyales ba ito na magiging Kapatid na si Derek?
“Ano ka ba, MVP (Manny V. Pangilinan) is close to us, remember, Derek is endorsing Smart, and dito siya sa Asian Hospital and MVP owns it like Makati Med. Kaya walang ganu’n.

“But I admit there was an offer from TV5 at napakaganda, there was also an offer from ABS at maganda rin. But how can we set a meeting kung heto, injured naman ang alaga ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Honestly Reggee, wala pa kaming final decision, as in wala, both TV5 and ABS were really okay, but at the end of the day, Derek will be the last to decide and this is important, talent fee is not the driver para lumipat kami.

“Hindi pera ang usapan dito kaya anuman ang mapag-usapan, labas ang talent fee,” pahayag pa ng manager ni Derek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending