Solenn di nawawalan ng trabaho sa GMA kahit pilipit pa rin ang dila sa Tagalog
Ngayon ang pasok ni Solenn Heussaff sa Adarna. As Adarna starts its 14th week and possibly last three weeks on air sa TeleBabad ng GMA after 24 Oras, ngayon pa lang pala papasok si Solenn bilang si Dayana. Si Dayana ay isang mahiwagang ibon na siyang may pinakamalakas na kapangyarihang magpagaling sa buong Pugad Sanghaya.
Misteryosa, mailap at mahirap hulihin. Siya ang nagsisilbing gabay ng Hinirang na si Ada (Kylie Padilla) sa pagpili ng dapat na makaisang dibdib.
Gaya ng kwento, ang Ibong Adarna ay magbibigay ng mga pagsubok sa tatlong mangingibig ni Ada.
Magkakatawang-tao siya bilang Dayana at mahuhulog ang loob niya kay Migo. Lingid sa kaalaman ni Migo, siya pala ay isinailalim sa kapangyarihan ng ibon.
Ngunit mananaig pa rin ang tunay na pag-ibig ni Migo kay Ada kaya tatalikuran niya si Dayana at sasabihing si Ada ang mahal niya. Sa pagkakataong iyon, napatunayan ni Dayana na si Migo ang karapat-dapat sa Hinirang na si Ada.
Maganda ang costume ni Solenn bilang Ibong Adarna, mas malapit ito sa Darna costume. Solenn is one of the three female Kapuso starts who signed an exclusive network renewal last week. Solo siyang pinapirma with manager Leo Dominguez and the following days, sina Yasmien Kurdi at Max Collins naman.
Solenn first appeared in the GMA reality show Survivor Philippines and since then has done a lot including movies, albums and an a lot of TV shows. Maswerte si Solenn dahil kahit medyo pilipit pa ang dila niya sa Tagalog, hindi siya natetengga sa trabaho.
Bilib kasi ang mga bossing ng GMA sa kanya dahil professional na wala pang kaarte-arte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.