HOROSCOPE, February 17, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, February 17, 2014

Madam Sophia - February 17, 2014 - 03:37 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Wag madaliin ang lahat, hayaan lang maganap ng kusa ang mga bagay-bagay. Minsan gumagawa talaga ng sariling paraan ang tadhana upang kusa kang umunlad at lumigaya.  Mapalad ang 4, 15, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Just go with the flow.” Yellow at black ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Huwag payagang manaig ang takot na pigilan ka sa iyong nararamdaman. Gumawa ng paraan upang mapaligaya ang sarili at ang kasuyong Libra. Sa pinansyal, basta’t nagmatapang ka tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 3, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Pink at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magkakaroon ka ng kakaibang kaugnayan sa bagong kakilala. Mag-ingat sa isang immoral na relasyon. Sa pinansyal, ibuhos ang buong pagtitiwala sa sariling kakayahan upang ikaw ay yumaman. Mapalad ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Muling magte-text ang dating ka-relasyon. Wag na siyang hayaan pang maging bahagi ng iyong buhay, guguluhin ka lang niya. Sa pinansyal, mas mainam pang bigyang pansin ang pagpapayaman, kaysa sa anopamang mga bagay. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Aspera-Om-Astra.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Magiging happy ka kung ituon ang pansin sa kasalukuyang relasyon, wag ng tumingin pa sa iba. Sa pinansyal, may darating na namang mangungutang, tanggihan siya sa malumanay at maayos na paraan. Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Green at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— ‘Wag masyadong maging demanding, baka tuluyan na siyang mawala sayo. Sa panansyal panahon na upang magtipid upang wag maubos ang savings. Mapalad ang 1, 4,  23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Gray at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Panahon na upang  gumawa ng bagong gimmick na ikasasaya ng kasuyo upang wag maging boring ang relasyon. Sa pinansyal, gumawa ka ng inobasyon upang mapalaki pang lalo  ang kinikita.  Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: Aum-Certum-Est-Om.” Beige at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Habang patuloy na nagiging malambing sa kasuyong Aquarius nakahanda na ang magaganap –  isang napaka-romantikong gabi na hinding-hindi mo malilimutan. Alisin sa isipan ang pag-aalinlangan, bumigay ka lang ng bumigay. Mapalad ang 7, 12, 15, 21, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Durate-Om-Rebus.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Dahil sa selos madadagdagan lang ang tension at stress na iyong nadarama. Palayain ang kasuyo, upang lalo nyang madama ang iyong pagmamahal. Sa pinansyal, makakatulong sa problema ang isang kaibigang Aries. Mapalad ang 2, 17, 24, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nulli-Om-Secunda.” Black at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat magduda sa kasuyo, mahal ka niya, kaya lang may mga tao talagang hindi malambing.  Sa pinansyal, kung hindi naging maganda ang pasok ng pera ngayong  Pebrero, umasa kang sa Marso, may darating na mas malaking halaga. Mapalad ang 6, 9, 22, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Om.” Lilac at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung hindi ka na masaya sa kasalukuyang relasyon wag ng piliting ipreserba ito, lalo ka lang masasaktan. Mag hanap ng kasuyong Cancer.  Sa pinansyal, tuloy ang kabig ng malaking halaga. Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Aum.” Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sikapin maging matured sa aspetong pang-emosyonal, sa ganyang paraan kusa ka ng makakatagpo ng isang pangmatagalang relasyon. Sa pananalapi, ang ibig sabihin ng “financial maturity” ay simple lang, unahin ang pagse-savings bago gumastos. Mapalad ang 1, 6, 19, 28, 30, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Pink at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit na maraming problema, isa lang ang solusyon: “Magtiwala sa iyong minamahal!” Sa ngalan ng pag-ibig, makakaraos din kayo at magiging “happy ending”  ang lahat.  Mapalad ang 7, 10, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Ob-Ladi-Ob-Lada.” Violet at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending