'Ke anuman si Papa P type ko pa rin siya' | Bandera

‘Ke anuman si Papa P type ko pa rin siya’

|November 29,2011
facebook
share this

‘Ke anuman si Papa P type ko pa rin siya’

- November 29, 2011 - 02:37 PM

Nu’ng Linggo nang gabi ay naging paksa si Piolo Pascual sa kahit saang umpukan. Merong mga nagigimbal, meron namang hindi na, dahil matagal na namang pinagkukuwentuhan ang kanyang kabadingan.

Pero may isa kaming nakakuwentuhan na nagsabing, e, ano ngayon kung bakla nga si Piolo, ano raw ang kanyang pakialam? “Ke anuman si Papa Piolo, e, type ko pa rin siya, titilian ko pa rin siya, walang magiging pagbabago ang pagtingin ko sa kanya!”

Nu’n pa sinasabi ng marami na parang si Piolo lang ang binibigyan ng pasaporteng maging bading pero mamahalin pa rin ng publiko.

Kesehodang magladlad man daw si Piolo tungkol sa kanyang kasarian ay walang pakialam ang taumbayan dahil mananatili pa rin siya sa itaas ng labanan.

Pero anuman ang sabihin ng iba ay makahihina sa kanyang career ang mga ganitong ispekulasyon, lalo na’t parang napuno na si KC, kaya ito nakapagsalita na hindi ito ang hinahanap ni Piolo bilang karelasyon.

Umiiyak na sinabi ng dalaga na hindi nito naibigay kay Piolo ang kanyang hinahanap, kaya ang tanong ng mas nakararami, ano ba talaga ang hinahanap ni Piolo?

Pareho lang ba ang hanap nila ni KC?

Nagsisimula pa lang ang kuwentong ito, wala pa sa kainitan, pero asahan nang maaagaw ni Piolo ang atensiyon ng publiko dahil kahit saan ka magpunta ngayon ay siya ang pinag-uusapan.

Kahit saan ka masuot ay isa lang ang masarap na pinagpipistahan ngayon sa bayan ni Juan, iisa lang ang tanong na ibinabato nila sa langit, bading ba talaga si Piolo Pascual?

Totoo raw ba ang kuwentong kumakalat na nahuli siya ni KC sa isang sitwasyong hindi na talaga kinaya pa ng dalaga, at kung totoo nga ‘yun, ay sino naman ang mahiwagang lalaking tinutukoy sa kuwento?
Haaaaaaaayyyyyy!!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending