Rachelle Ann Go handa nang maghubad para sa 'Miss Saigon' | Bandera

Rachelle Ann Go handa nang maghubad para sa ‘Miss Saigon’

Ervin Santiago - February 16, 2014 - 03:00 AM


ISA na namang kapana-panabik na linggong puno ng cooking adventures ang mapapanood simula Lunes sa Kusina Master: Sikreto ng Eksperto dahil sa pagtuturo ni Chef Boy Logro ng mga practical tips sa paghahanda ng hottest at newest recipes na siguradong kagigiliwan ng mga manonood.

Maliban sa nakakatawang si Boobay na nagbibigay-buhay sa show, sasamahan din ng mga Kapuso artists na sina Aicelle Santos, Cacai Bautista, at Rachelle Ann Go si Chef Boy Logro sa pagbabahagi ng kanyang mga sikreto sa pagluluto.

Ang talented singer na si Aicelle ay magiging bahagi ng episode sa Lunes ng Kusina Master. Si Chef Boy Logro ay magluluto ng kakaibang Inihaw na Baka with Mango Salsa upang simulan ang linggo kasama ang isang matamis na putaheng tiyak na magpaparamdam sa mga manonood ng post-Valentine atmosphere.

Sa Martes, bibisita naman ang versatile comedienne/actress na si Cacai sa Kusina Master kung saan maghahanda ang ating cooking expert ng simple ngunit masarap na seafood dish na bagay sa kahit anong okasyon – ang Inihaw na Pusit.

Samantala, sasamahan ni ultimate singing champion at Sunday All Stars mainstay Rachelle Ann si Chef Boy Logro simula Miyerkules hanggang Biyernes (Peb. 19-21) bago ang kanyang Send-off Concert sa Sabado (Peb. 22) bilang selebrasyon ng kanyang 10th year anniversary sa industriya na gaganapin sa Meralco Theater.

Dito masasaksihan ni Rachelle Ann kung paano ginagawang kakaiba ng ating Kusina Master ang mga simpleng putahe tulad ng Sinigang na Baboy, Turon con Halo-Halo, at Kare-Kare.

And speaking of Rachelle Ann, handang-handa na siya para sa “Miss Saigon” sa London sa darating na March. Pero bago nga siya umalis, gaganapin muna ang send off concert ng Kapuso singer-actress cum 10th anniversary niya para sa lahat ng kanyang supporters, ang “Miss Rachelle: The Send-Off Concert”, na gaganapin sa Feb. 22, 8 p.m. sa Meralco Theater. Tickets are available at Ticketworld or call 891 9999.

Special guests ni Rachelle Ann sa show ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz, kabilang na si Regine Velasquez na nangako pang pupunta talaga sa London para manood ng “Miss Saigon”.

Anyway, tungkol naman sa pagsusuot ng tangga ni Rachelle Ann sa “Miss Saigon” kakayanin daw niya ito para sa kanyang role na si Gigi,  “Since revival naman po ito ng Miss Saigon, naka-two-piece po talaga.

“Kasi yung character po na Gigi, sexy po. Siya yung parang leader dun sa bar. So, yeah… Sexy yung role na Gigi bilang stripper siya,” chika pa nito.
At dahil sexy nga ang role niya, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito, “Siyempre kailangan ng exercise, ganyan.

Kailangan ko gym, kahit na tinatamad ako, ‘no. Hindi talaga ako nagdyi-gym. Pero for this role, kailangan ready ako, prepared ako physically.
“Pagdating ko do’n, kasi, March 10, every day na yung rehearsals namin. At puro dance din po yung sa role ni Gigi. So, kailangan ano ko do’n, prepared ako,” sey pa ni Rachelle.

“Before I leave, gusto ko pong mag-attend ng mga dance classes, mga jazz. Para may baon naman po ako pagdating ko doon,” chika pa niya.
Bilang isang stripper, kailangang maghubad ni Rachelle sa stage, tulad nga ng ginawa noon ng singer-stage actress na si Isay Alvarez—ang unang gumanap na Gigi sa original na 1989 production ng “Miss Saigon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending