Mo Twister kinakarma na? | Bandera

Mo Twister kinakarma na?

|November 29,2011
facebook
share this

Mo Twister kinakarma na?

- November 29, 2011 - 02:22 PM

Abugado ni Rhian handang magdemanda

ILANG araw nang pinagpipistahan (slightly lang naman actually) ang diumano hinagpis ni DJ Mo Twister sa kanyang mga tweets at kung anik-anik pang emote na may kinalaman sa kanyang personal life.

Marunong din palang masaktan ang DJ na bahagya lang tumangkad sa gasul. Ha-hahaha!

Sa dinami-dami ng kanyang mga sinaktan nu’ng namamayagpag pa siya sa radio, hindi ba naisip ni Mo na maaaring ang mga pinagdadaanan niya ngayon na siguro ang tinatawag na karma?

Pasalamat siya’t walang nangyaring masama sa kanya nu’ng mga panahong bumabanat siya’t pinaglalaruan ang  mga sikat na personalities sa bansa natin – kung paano niya diretsahang ininsulto ang mga artista.

Ngayon ay lungkut-lungkutan siya. At ang sabi raw ay meron siyang malaking pasabog sana sa Paparazzi last Sunday pero hindi naman natuloy – obviously ito ay may kinalaman kay Rhian Ramos na ex-girlfriend niya.

 

How true na nagalit siya at pinagbintangang nagpa-abort si Rhian? Kawawa naman si Rhian – after malagay sa gitna ng kontrobersiya noong nag-break sila, heto’t may bago na naman drama si Mo against her.

Natorpe yata si Mo Twister kaya hindi na niya itinuloy ang pagpapasabog sa kanyang TV show last Sunday. Kasi nga, nakatutok daw ang mga lawyers ni Rhian that time.

Patay nga naman siya kung nagkataon. Demanda ang aabutin niya sa dalaga. At ang balita ay lilipad na siya for New York and probably stay there for sometime.

Why sometime lang? Why not for life? Hindi naman siya kailangan ng industriyang ito dahil hindi siya kawalan. Puro kayabangan ang alam niyang gawin. Walang respeto sa babae. Kapal ng fez ng bansot na iyan, ‘no!

Anyway, ayokong magpakaipokrito dahil buwisit talaga ako sa lalaking iyan – kung paano niya kami binastos noon pa man sa programa niya sa radio.

Puwes, hindi man kami ang kumilos para iparamdam sa kanya ang kanyang mga maling nagawa – probably, kinalabit na siya ng Panginoon para malay mo – magising at maging mabuting tao pagdating ng tamang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta kami, hindi namin siya feel. At alam niya iyon. Kanino ngayon ang last laugh? Di sa mga taong sinaktan niya noon. Remember their names? You want us to enumerate? Hay naku!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending