Gerald kay Sarah: Baka siya ang babae para sa 'kin! | Bandera

Gerald kay Sarah: Baka siya ang babae para sa ‘kin!

|November 29,2011
facebook
share this

Gerald kay Sarah: Baka siya ang babae para sa ‘kin!

- November 29, 2011 - 02:01 PM

MARAMI rin naman ang kinikilig kina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. In fairness, may magic din naman ang kanilang loveteam at mukhang sincere naman sila sa kanilang friendship.

At mas marami pa ang kinilig nang magsalita si Gerald na  baka nga si Sarah na ang babae na pwede niyang maging girlfriend.

“Siyempre po, mas nakilala ko po si Sarah, tao din po ako, ‘di ko maiwasan na maisip minsan na baka siya nga ‘yung babae para sa akin. Kumbaga masarap kasi siyang kasama.

I really admire her but I don’t wanna get ahead of myself din. Mataas ang respeto ko sa kanya at sa pamilya niya,” chika ni Gerald sa  The Buzz last Sunday.

Naniniwala rin si Gerald na pwede namang pagsabayin ang pamilya at  babaeng mamahalin niya, “Hindi ba pwedeng sabay?

Kasi ‘pag in-love ka gusto mo pati pamilya mo boto sa babaeng mahal mo. ‘Pag lumalabas ka kasama ang girflriend mo o babaeng mahal mo kasama sila so pwede naman nating sabay,” chika pa ni Gerald.

Sa tanong kung ano ba sa tingin niya ang best asset ni Sarah na talagang hinding-hindi niya makakalimutan,

“Sinabi ko kasi sa kanya nu’ng last shooting day, ‘Napanood mo ‘yung ‘Breaking Dawn’, mas maganda ka pa kay Bella.’ Tapos sabi niya, ‘shut up!’” natatawa pang kuwento ni Gerald.

Para naman kay Sarah, napi-feel niya na mukhang okay naman si Gerald sa kanyang istriktong inang si Mommy Divine,

“Hindi naman po namin napag-uusapan pero sa nakikita ko naman po palagay naman ang loob niya kay Gerald kasi nakikita naman niya kung gaano ka-gentleman si Gerald at respectful unang-una sa mommy niya po.

Du’n po magiging evident ‘yun, e, kung mahal mo ‘yung pamilya mo nakikita niya na ‘di ganu’n klase si Gerald.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending