Sleepwalker nahulog sa 2nd floor, patay | Bandera

Sleepwalker nahulog sa 2nd floor, patay

John Roson - February 10, 2014 - 01:44 PM

NATAGPUANG patay ang isang babaeng dumaranas umano ng “sleepwalking” o paglalakad habang tulog, matapos mahulog sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Zamboanga City, ayon sa pulisya.

Natagpuan si Allexie Jean Columbres, 22, ng kanyang kapatid na nakahandusay at duguan sa semento sa labas ng kanilang bahay sa Morning Glory, Brgy. Putik, alas-12:50 ng madaling-araw Sabado, sabi ni Chief Insp. Ariel Huesca, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police.

Sinabi sa pulisya ni Ellen Grace Drapiza, kapatid ni Columbres, na huli niyang nakita ang kapatid at isang kasambahay na natutulog sa dining room sa ground floor alas-11 ng gabi Biyernes, bago siya natulog.

Ayon kay Drapiza, nagising na lang siya matapos ang mahigit isang oras dahil sa pagtahol ng aso sa labas ng bahay.

Nang sumilip sa bintana ay nakita na lang umano ni Drapiza si Columbres na nakahandusay sa semento, kaya dinala ang huli sa Western Mindanao Medical Center.

Idineklarang patay ng mga doktor si Columbres nang madala ito sa pagamutan.Lumabas sa imbestigasyon na bago ang insidente, sinabi ni Columbres sa pamilya na madalas niyang mapanaginipan ang sarili habang “lumilipad mula sa bintana.”

“Her sister believes that Columbres was sleepwalking when she fell,” ani Huesca. Ang sleepwalking o somnambulism ay isang karamdaman kung saan ang apektadong tao’y bumabangon mula sa mababaw na pagkahimbing nang may mababaw na kamalayan.

Karaniwan sa mga dumaranas nito ang paggawa ng mga aktibidad na ganilang ginagawa kapag gising. Ilan sa mga aktibidad naitalang ginawa ng mga “sleepwalker” ay malumanay lang gaya ng pag-upo sa kama, pagpunta sa banyo, at pagwawalis.

Ngunit may ilan ding mga naitalang delikadong aktibidad ng mga “sleepwalker” gaya ng pagluluto, pagmamaneho, pagdampot sa mga gamit, at kahit na pagpatay.

Ilan sa mga pinaniniwalaang sanhi ng karamdamang ito ay ang mabagal na pag-develop ng utak, kakulangan sa tulog, sakit, at sobrang pagod, ayon sa mga dalubhasa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending