NAGKABALIKAN na pala sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. Ito ang nasagap naming tsika, kamakailan lang daw ay back in each other’s loving arms ang controversial young couple.
Ang balita pa sa amin, naayos na naman daw ang matinding tampuhan sa pagitan ng dalawa. At nang magbalik nga si Shaina mula sa ilang linggong pagbabakasyon sa kapatid niya sa US ay si John Lloyd ang unang dumalaw sa nakababatang kapatid ni Vina Morales.
Apparently, na-realize siguro ni John Lloyd na mahal talaga niya ang dalaga kaya naman siya na rin ang nag-adjust at gumawa ng paraan para maipakitang mahal pa rin niya ito.
Siguro naman, love is sweeter the second time around sa kanila? So, burado na ba talaga sa eksena this time si Ruffa Gutierrez, ha?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.