Sarah, Matteo hiwalay na; tagumpay na naman si Mommy Divine | Bandera

Sarah, Matteo hiwalay na; tagumpay na naman si Mommy Divine

Alex Brosas - February 10, 2014 - 03:00 AM


Many netizens were thinking na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geornimo ang pinatutungkulan sa isang blind item na inilabas ni Darla Sauler recently.

“How true na itong dalawang kapamilya stars na napapabalitang mag-on na, ay nagkahiwalay na rin daw agad? Pareho silang sikat, at nanggaling sa kani-kanilang controversial ‘failed relationships.’

Ang dahilan ng hiwalayan, halos parehong reason kung bakit hindi nag-workout ang nakaraang relasyon ni girl.” ‘Yan ang nakakalokang pasabog ni Darla.

“Naghihintay lang ako ng pagkakataon na makausap sila parehas, o makakuha ako ng matibay na proof… kapag na-verify ko na ang chikang ito, ishe-share ko rin sa inyo lahat dito sa Direct from Darla,” dagdag pa niya.

Easily, sina Sarah at Matteo ang sinasabing subject sa blind items na ito because of the clues na popular sila, nagkaroon ng failed relationship at hindi nag-work out ang relationship ng girl.

Well, sila nga ba ang tinutukoy sa blind item? Anyway, from the start naman talaga ay doomed na ang relasyon nila.
Unang-una, nakakontra si Divine, ang mother dear ni Sarah.

Parang palagi siyang walang tiwala sa mga naging manliligaw ni Sarah, parang walang lalaki na good enough for her daughter.
Secondly, hindi naman talaga maikakaila na kahit na medyo may freedom na si Sarah ngayon when it comes to her decision, naka-anchor pa rin ang buhay  niya sa kanyang ina.

Hindi pa rin siya makawala sa tanikala. Third, since they’re not admitting their relationship, mas madali para sa dalawa na mag-deny na magdyowa sila.

Pero kung true nga na hiwalay na sila, hindi rin naman kataka-taka. In fact, in-expect na namin ‘yan. Hindi ba’t ganyan din naman ang nangyari kina Sarah at Rayver Cruz? At kina Sarah and Gerald Anderson?

Kaya nga ang lagi naming tanong, when will Sarah be really happy? Kapag hindi na nakagapos ang kanyang puso! At kapag hindi na nakikialam si Divine sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak.

Until now, si Divine pa rin ang kontrabida sa buhay ni Sarah ang munting prinsesa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending