Ang tibo na ba? (2) | Bandera

Ang tibo na ba? (2)

Joseph Greenfield - February 10, 2014 - 03:46 AM

Sulat mula kay Elisa ng Barangay Manjagao,
 Surigao City
Dear Sir Greenfield,
1.      May boyfriend po ako. Ang problema ay may kaibigan din akong tomboy at nang magtapat siya sa akin ng pag-ibig ay sinagot ko rin siya. Dalawa na sila sa buhay ko, isang tomboy at isang totoong lalaki, kaya medyo naguguluhan ako.
2.    Itatanong ko lang sana kung kami na ba ng boyfriend ko kahit hindi ko siya mahal o posible kayang kami ang habambuhay na magsasama ng tomboy na  karelasyon ko, kasi mas masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya. Sino po ba sa kanilang dalawa ang panghabambuhay kong makakasama?
Umaasa,
E ng Barangay Manjagao, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo ay nagsasabing magkakaroon muna ng kaguluhan sa iyong puso at isipan, pero kapag naresolba at natapos mo na iyon ay mawawala na ang dalawang ka-relasyon mo at saka pa lang darating ang totoong mangingibig na mapapangasawa at makakasama mo habambuhay  na nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing mabibiktima o iibig ka sa isang tomboy na may birth date na 3, 12, 21 o kaya’y 30, pero hindi siya ang makakatuluyan mo. Ganoon din naman ay hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan, bagkus isang lalaking paparating palamang na nagtataglay ng birth date na 4, 13, 22 o kaya’y 31.
Graphology:
Ang magulo mong lagda, sa umpisa hanggang gitnang bahagi (Illustration 2. arrow 1.), pero naayos at gumanda din sa gitnang bahagi hanggang sa dulong bahagi (illustration 2. at 3.) ang nagsasabi na magugulat ka sa susunod na mangyayari at magaganap sa taon ito— kapwa mawawala ang dalawa mong kasintahan upang isang lalaking kayumangi ang kulay na medyo balingkinitanan ang pangangatawan ang darating na siyang magiging ikatlong boyfriend mo na mapapangsawa at makakasama mo habambuhay.
Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong kapalaran, hindi mo makakatuluyan ang syota mong tomboy gayun din ang kasalukuyan mong boyfriend. Tulad ng nasabi na, kapwa sila mawawala sa iyo upang pagkatapos isang lalaking may initial na J.R. ang darating, ang ikatlong karelasyong ito ang makakasama mo na sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang maganap sa taon 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending