Sharon ibubuking na sina Kc at Piolo | Bandera

Sharon ibubuking na sina Kc at Piolo

- November 26, 2011 - 03:49 PM

Bukas nang hapon ay may ipalalabas na mahabang panayam sa Paparazzi Showbiz Exposed na siguradong ikaliligaya ng mga tagahanga ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ito ang unang inupuan niyang panayam mula nang magdesisyon siyang lumipat na sa TV5, kaya makabuluhan ang interbyu, dito natin malalaman kung gaano naging kasensitibo para sa kanya ang tuluyan nang pagtalikod sa ABS-CBN kung saan siya naglingkod nang mahigit na dalawang dekada.

Siyempre’y hindi maiiwasan ang paksa tungkol kina Piolo Pascual at KC Concepcion, alangan namang siya pang ina ni KC ang hindi matatanong tungkol sa nawasak na relasyon ng aktor at ng kanyang anak, hindi naman yata tama ‘yun.

At kung kilala nga natin si Sharon, nagagawa niyang itawid ang kanyang emosyon sa isang paraang edukada, pero nangangagat at dumudugo nang hindi nararamdaman ng kanyang pinatutungkulan.

Minsan na siyang nagsalita na hindi niya pinanghihimasukan ang lovelife ng kanyang anak, pero kasabay nu’n ang pagsasabing hindi niya naman pinalaki si KC para balewalain lang ng ibang tao, makahulugan ang sinabing ‘yun ng Megastar.

Nakaplantilya na ang mga gagawing proyekto sa TV5 ni Sharon, si Boss Vic del Rosario ang namamahala du’n, masayang-masaya ang aktres-singer-TV host dahil isang bagong kapaligiran naman ang kanyang pagtatrabahuhan ngayon.

Bilyon ang pinag-uusapan sa kanyang paglipat, napakalaking halaga ng kontrata na pinapangarap ng bawat artista, nangangahulugan lang na maningning pa rin ang kanyang bituin.

Ang Paparazzi Showbiz Exposed ay napapanood tuwing ala una y medya nang hapon, Linggo, sa TV5 lang po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending