HOROSCOPE February 09, 2014 | Bandera

HOROSCOPE February 09, 2014

Madam Sophia - February 09, 2014 - 03:56 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sayo yon ng kusa! Wag masyadong pagurin ang sarili. Sa pag-ibig ngayong tag-araw, kusang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at pink ang buenas.  
 
Aries – (Marso 21-April 19)-     Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –   Mag-isip ng masarap na pagkaing lulutuin ngayong malapit na ang Valentine’s day. Sa ganyang paraan, lalong sasarap ang inyong suyuan. Sa pinansyal, habang nalalapit ang tag-araw, aangat pang lalo ang kabuhayan.  Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –   Sa pinansyal, basta’t mag-negosyo ka lang, siguradong may malaking salaping kikitain. Sa pag-ibig, ngayon palang magipon ka na ng pera para sa pagdi-dinner date ninyo ng kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.”  Yellow at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)- Sa pinansyal, hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig okey din ang  ka-partner na isang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Magandang balita ang matatanggap. May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos region. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –    Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas. Ngayon ka na magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, puntahan na ngayon ang kasuyo matampuhin  – dalan siya ng pagkaing lusaw, malamig na matamis.  Mapalad ang 5, 16, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –  Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa. Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –     Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa minamahal.  Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet at  maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –    Wag susuko sa mga problema. Isang Aries ang tutulong sa iyo upang malusutan ang mga suliranin. Sa pag-ibig, may masarap na romansa dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.”  Purple at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)-        Sa panahong ito ng Mahal na Araw hindi ka dapat maging agresibo. Dahan-dahan lang sa pag-gastos, alalahanin mong mabilis maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa. Mapalad ang 4, 8, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –   Sa taong ito ng 2014 ngiti ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, laging ngitian ang minamahal upang manatiling happy ang inyong relasyon. Sa pinansyal, patawarin mona ang mga nangutang sa inyo na ayaw ng magbayad. Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) –  Malapit ng mag full moon, kaya anoman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. May malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masayang relasyon hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending