Sayang na sayang si Tado; pero kung oras mo na, oras mo na
NAKAKAGULAT naman ang nangyari sa komedyanteng si Tado – Arvin Jimenez sa tunay na buhay. Siguradong alam n’yo nang lahat ang pagkamatay niya matapos mahulog ang sinasakyan nilang Florida Bus sa isang bangin sa Mountain Province.
Galing Maynila ang bus papuntang Bontoc nang maaksidente sila. Umabot na sa 15 katao ang nasawi including comedian cum activist na si Tado.
While I was riding a cab the other night papuntang Kirei Beauty and Medical Clinic to meet up dear friend Jennifer Geroche, I passed by Nay Cristy Fermin’s gallery beside St. Mary’s College para daanan si kafatid na Richard Pinlac.
Dala ng busy sked ko that day ay nabanggit sa akin ng taxi driver na patay na nga raw ang komedyanteng si Tado sa isang aksidente. Nagulat ako – kahit hindi man ako close kay Tado when he was still alive, I still got shocked kaya I immediately called kafatid na Ogie Diaz who used to manage Tado’s showbiz career.
Sa pagkakilala ko kay Tado, malalim ang taong ito – artist na artist ang dating – the looks, the mind, the way he carried himself and in fairness ay mabait naman ito sa amin.
“Oo nga Jobs. Kawawa naman si Tado. Actually, mina-manage ko siya noon, yung bilang kaibigan lang. Yung tulong lang na walang komisyon.
Ganoon ang set-up namin dahil naaawa ako sa kaniya at mabait iyon. Gusto ko kasi ang utak niya,” ani Ogie sa akin.
Then, nag-throwback ang utak ko sa panahong napapanood ko pa si Tado sa isang noontime show – sa Maganda Tanghali Bayan ba iyon? I forgot.
Ang vivid lang sa akin kahit paano ay yung parang me inilagay siya sa damit niya – I don’t remember exactly kung sticker iyon or print talaga sa damit niya ang linyang, “Di baleng magnakaw, huwag lang pumatol sa bakla!” or something to that effect which I guess caught the ire naman of his fellow artist Vice Ganda.
Parang biru-biruan lang yata iyon na sa pagkakaalam ko ay nauwi sa tampuhan nila ni Vice. Kung mahina-hina lang ang loob mo, maiirita ka sa linya niyang iyon but knowing his pagka-aktibista ay parang oks na lang din sa amin.
Hindi na namin sineryoso. Kumbaga, no big deal na lang. But his sudden death ay nakakabigla. Balita rin na parang may premonition daw itong si Tado bago pa siya mamatay.
Ayon sa nabasa naming ulat, patungong Mountain Province ang comedian para sa isang environmental activity. Sa kanyang Instagram account noong Feb. 6, nag-post daw si Rado ng isang litrato habang nagpapa-make-up siya at may caption na: “North o South…. cemetery?” Kaloka, di ba?
Biniro ko naman si Richard Pinlac ng, “Kawawa naman si Tado. Hindi ba puwedeng kasama siya sa nabuhay tutal artista naman siya?”
Of course, I meant that as a joke – kasi nga, parang hindi kami makapaniwalang kasama si Tado sa mga nasawi sa aksidenteng iyon. Kaya ang buhay talaga natin ay very temporary lang – ke artista ka o pulitiko o ordinaryong tao ay walang exempted kay kamatayan.
Sabi nga nila, kung oras mo na ay oras mo na talaga. But of course, I would sometimes argue with that dahil grabe naman talaga ang mga bus drivers kung magmaneho, kaya takot na takot akong sumakay sa bus dahil kung gumewang-gumewang sa kalye ay grabe.
Yung ibang driver kasi ay hindi nag-iingat, parang palaging nagmamadali. Lalo na ang mga long distance trips na iyan!
Pero since nandiyan na iyan, I hope everyone learns his lesson.
Dapat ay magdagdag-ingat pa ang mga nagmamaneho lalo na sa buses. Please take care of your passengers’ lives. Huwag kampante that everything will be okay – mag-ingat lang, please.
Sa mga naiwan ni Tado who I think is still at the morgue of Bontoc General Hospital, our deepest condolences and we do pray that his soul rests in peace. So with his fellow victims. Sumalangit-nawa ang mga kaluluwa ninyo. God bless you guys.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.