Tuason ililibre sa plunder, ano ka sinusuwerte? | Bandera

Tuason ililibre sa plunder, ano ka sinusuwerte?

Bella Cariaso - February 09, 2014 - 03:00 AM

PINAKAMAINIT na isyu ngayon ay ang pag-uwi ni Ruby Tuason na sinasabing missing link para sa isinusulong na plunder case ng gobyerno laban sa mga sangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Si Tuason ay isa sa mga kinasuhan ng plunder. At base sa pinirmahan niyang salaysay sa DOJ, bilang bahagi ng kanyang aplikasyon para maging state witness, sinabi nito na siya ang nagsilbing tagakolekta ng cut ng ilang senador – na ang tinutukoy nga ay sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Gawin nga kaya siyang state witness at tuluyan ng malibre mula sa kasong kanyang kinasasangkutan?

Para sa mga ordinaryong Pilipino na tanging ang magagawa ngayon ay magmasid at mag-abang sa pag-usad ng kaso, naniniwala tayo na marami sa ating mga kababayan na gugustuhin na maparusahan lahat ng nakinabang sa PDAF.

Kung ang magiging kapalit ng paglabas at pagtestigo ng mga sangkot sa pork barrel scam laban sa iba pang nakinabang sa PDAF ay ang malibre sa anumang pananagutan, hindi magdadalawang isip na ialok na rin ng iba pang mga kinasuhan ng plunder ang kanilang testimonya para lamang makaligtas sa kaso.

Hindi ito magiging magandang ehemplo para sa ibang gusto pang gumawa ng katiwalian sa gobyerno. Iisipin nilang okay lang masangkot sa anomalya dahil pwede naman pala na sa dakong huli na umamin sa pagkakamali at tumestigo na lang laban sa iba na mas malaki ang partisipasyon sa krimen.

Dapat ay maparusahan ang lahat ng nagpasasa sa limitadong pondo ng bayan. Hindi pwedeng ilibre na lang.

Kamakailan, nagpalabas naman ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema sa balakin ni Quezon City Mayor Herbert “BIstek” Bautista na maningil mula P100 hanggang P500 kada bahay para sa pangongolekta ng basura.

Ikinatuwa ito ng mga residente ng QC sa naging desisyon ng korte, at ang hangad ng bawat isa ay maging permanente na ang pagbasura ng SC sa naisin ni Bistek.

Napaka-ganid naman kasi nitong administrasyon ni Bistek. Hindi bat napakahigpit ng QC sa paniningil ng mga buwis kayat napakalaki na ng pondo ng lokal na pamahalaan? Saan naman balak gamitin ni Bistek ang bilyong-bilyong pondo ng lungsod kung hindi nito gagamitin sa serbisyo para sa kanyang mga nasasakupan?

Dapat suportahan ng mga residente ng QC ang kampanya laban sa balakin ni Bistek na ipatupad ang garbage fee sa lahat ng kabahayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga po kayo binoto ng bayan ay para maglingkod at hindi para magpahirap sa inyong nasasakupan.
Hindi na tayo nagtataka na wala nang lugar na patutunguhan itong si Bistek matapos ang kanyang termino bilang alkalde ng QC dahil puro parusa ang ginagawa nito sa mga taga-QC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending