Sir Chief ayaw nang anakan uli si misis
ILANG dipa lang ang layo ng aktor na si Richard Yap sa pinangyarihan ng pambabastos daw ng kapwa niya Fil-Tsinoy
Kapamilya star na si Xian Lim sa look-alike ng kalabtim niyang si Kim Chiu nu’ng bisperas ng Chinese New Year sa Binondo, Manila.
May show sa Lucky Chinatown mall si Richard habang guest naman si Xian sa Banana Nite na ginanap sa plaza tapat ng Binondo church.
“Ah, nakita ko nga sa news. Actually, pinapapunta rin ako doon. Pero since I had another commitment, sabi ko, hindi ko na ata kayang pumunta na rin,” bungad ni Richard a.k.a. Sir Chief.
Kinunan namin siya ng reaction at natawa muna siya bago sumagot, “Magkaibigan kami and, well, katrabaho ko kasi si Xian dati (sa My Binondo Girl). Siguro off-night lang niya. I don’t know. I can’t speak for him, e. Kung sa akin mangyari ‘yun, I’ll just probably say hi to the girl. Kasi parang naging host siya doon, e,” pahayag ni Richard.
Tawa nang tawa si Richard all throughout our interview during his pa-Chinese New Year with the entertainment press na sandamakmak at halos ‘di mabitbit na giveaways mula sa mga ine-endorse niya na product.
Obviously, masayang-masaya si Richard and very positive sa pagpasok ng 2014. E, sino ba naman ang ‘di maha-happy being the number one male endorser now in the country. Mismong si Richarcd ay na-lost count na sa rami ng kanyang endrosements. At may mga paparataing pa, huh!
Pero kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang mag-endorse ng Harley Davidson bike. Dati raw kasi siyang nagmo-motor bago pa man mapanood sa My Binondo Girl.
During the holiday season sinamantala ni Richard ang two weeks off nila sa taping ng top rating teleserye nila na Be Careful With My Heart.
“Nag-Dubai kami ng family ko. Mga one week lang kami doon, bakasyon lang talaga. Christmas kami nandoon. Ah, we just wanted to bring the kids there. Actually, nagpunta kami nu’ng nag-show kami ng Be Careful, nakapunta na kami. Parang maganda namang ulitin ‘yung experience. Second time na rin nila (ng mga anak niya),” kwento niya.
Wala raw pakialam ang mga anak niya sa current state ng popularity niya ngayon.
“Parang ano pa rin sila, syempre, parang I’m still their dad. Wala naman silang…because they grew up knowing me na ganito. Hindi naman nagbago na just because artista ako. Nu’ng nasa Binondo Girl pa ako napapanood nila ako. Syempre parang natutuwa-tuwa. Hindi naman sila kasi showbiz din.”
Pero nakikita raw nga mga anak niya kapag maraming nagpapa-picture sa kanya. Minsan pa nga raw ang eldest niya na si Ashley ang kumukuha ng picture.
“Okey lang naman na nakikita nila na maraming nagpapa-picture sa akin. E, ‘yung daughter ko nga may fan-based din, e. He-hehe!”
Hindi alam ni Richard kung ano name ng fans club ni Ashley. Sa ganda ng lahi ni Richard and his wife na si Melody, pwede pa silang magparami, huh!
“Ay, hindi na. Tama na yung dalawa sa amin. Saka kapag nag-anak pa ako ngayon baka ang tingin niya sa akin lolo na. Ha-hahaha!”
Magde-debut this year si Ashley and instead of a party, trip abroad daw ang gusto ng anak niya.
Then, tinanong namin si Richard kung magkano na ang worth niya ngayon. Natawa na naman siya bago sumagot, “I am worth watching. Ha-hahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.