MAAARING ang mga overseas Filipino workers umano ang isunod na paparusahan ng Hong Kong kung hindi pa rin hihingi ng paumanhin ang Aquino government sa pamilya ng mga HK nationals na nasawi sa hostage taking noong 2010. Ayon kay Albay Rep. Al Bichara, chairman ng House committee on foreign affairs, dapat ikonsidera ni Pangulong Aquino ang desisyon nito na huwag humingi ng paumanhin sa HK. “The government should decide for the general welfare of the majority. Sabihing I (President Aquino) will do this for you (OFWs) as a leader to apologize. Let us not wait for a major pain, mawawalan ka ng options,” ani Bichara. “Sanctions on Filipino tourists and worst, those working in Hong Kong may be the next. Well, they could lose $3 billion from Filipino tourists, but Hong Kong can afford to lose that. We should prepare for the worst, the DFA should be ready to take action if worse comes to worst.” Kung si Bichara umano ang masusunod, noon pa dapat humingi ng paumanhin ang pangulo. Taliwas naman ito sa pananaw ni Paranaque City Rep. Gus Tambunting na nagsabi na sobra ang hinihingi ng HK. “Why should we? Do Hong Kong officials apologize to us when Filipinos die in Hong Kong? No, they do not. This punishment that they are imposing on us is too much. This is not the way to resolve what happened during the Manila hostage taking. Why do we have to scare each other here?” tanong ni Tambunting. Dahil sa pagtanggi na humingi ng paumanhin, kailangan ng kumuha ng visa ang mga opisyal ng gobyerno at iba pang diplomatic passport holder na pupunta sa HK.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.