Deniece dapat nang bumaligtad | Bandera

Deniece dapat nang bumaligtad

Ramon Tulfo - February 04, 2014 - 03:10 AM

KUNG ako si Deniece Cornejo, babaligtad na ako at tetestigo laban kay Cedric Lee, isa sa diumano’y nambugbog kay comedian at TV host na si Vhong Navarro.

Isasama si Deniece sa demandang serious physical injuries at serious illegal detention na non-bailable offense o walang piyansa.

Ang demandang rape ay isinampa ni Deniece kay Vhong.

Pero di pinaniniwalaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alegasyon ni Deniece na siya’y ginahasa.

Kaya’t sabit si Deniece sa demandang serious illegal detention at serious physical injuries kasama si Cedric at kanyang mga alipores.

Kapag nagkataon ay makukulong si Deniece habang ang kaso na isasampa ni Vhong sa kanila ni Cedric ay dinidinig ng korte.

Dapat ay bumaligtad na si Deniece at maging testigo para sa estado o state witness upang siya’y hindi maisama sa kaso.

Ang state witness ang the least guilty o maliit lang ang partisipasyon sa isang kasong conspiracy.

Ang conspiracy ay pagtulong-tulong sa paggawa ng isang krimen. Dahil pinagtulungan nila si Vhong, ang conspiracy to commit a crime ang kategorya ng kanilang ginawa kay Vhong.
q q q

Para doon sa hindi pa nakabasa sa mga nakaraang column sa Target ni Tulfo, ang teorya ng NBI ay may relasyon sina Vhong at Deniece at nahuli sila ng milyonaryong negosyante na si Cedric.

Inoral sex ni Deniece o dili kaya ay si Vhong ang gumawa noon sa  babae sa condominium nito sa Forbeswood Heights Condo sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kaya nga, sabi ng NBI, sinabi ni Deniece sa text message niya kay Vhong matapos siyang dalawin nito sa condo ay: “Bad boy ka, bad boy ka!”

In other words, binitin ng aktor si babae.

Kaya’t ang kanyang sagot sa babae ay, “Babawi na lang ako sa susunod.”

Kitang-kita ni Cedric sa hidden camera ang ginawa ng kanyang girlfriend at ng aktor. Nagmukha siyang torotot.
Inutusan niya si Deniece na papuntahin niya si Vhong sa kanyang condo.

Dumating si Vhong na may dala pang pagkain at white wine, pero di niya alam na may nakaambang panganib sa kanya.

The rest is history, ‘ika nga.
qqq

Ito namang si Interior Secretary Mar Roxas, umentra pa sa kaso nina Vhong at Cedric et al.

Bibigyan daw—o maaaring binigyan na—ni Roxas si Vhong ng mga bodyguards dahil sa mga threats sa kanya.

Masyado namang OA (over-acting) ang abogado nitong si Vhong.

Sa ngayon ay tarantang-taranta na si Cedric at kanyang mga kasamahan kung paano nila lulusutan ang kaso.

Tuliro na ang mga ito kung sino ang lalapitan upang makipag-areglo kay Vhong.

Sinong di matataranta sa mga publicity at posibleng habambuhay na pagkabilanggo na nakaabang sa kanila?

Maaari pa ngang naiihi na sa pantalon sina Cedric.

Isa sa mga tauhan ni Cedric na sumama sa pambubugbog kay Vhong ay gustong sumuko sa inyong lingkod dahil awang-awa siya sa nangyari sa aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero nagpadala ako ng mensahe sa kanya na dapat harapin niya ang demanda. Baka kasi gawin pa ako na padrino ng tarantado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending