TOTOO nga yatang all is not well between KC Concepcion at Piolo Pascual.
True kayang may nangyaring isnaban nang magkita sila sa CamSur recently for an event? Hindi raw pinansin ni KC si Piolo all throughout the event.
So, sabi ng isang nagmamalasakit kay KC, hindi raw totoo ang tsikang kinatok ng anak ng Megastar si Papa P sa cabin nito noong may event sa CamSur.
At hindi rin nag-stay sa iisang lugar ang dating magdyowa. Sa Watersports complex daw nag-stay si KC and si Papa Piolo naman ay sa isang hotel nagpalipas ng gabi.
Teka, hindi ba’t nagpaiwan si Papa P sa US at mas naunang bumalik si KC sa bansa? Nakahabol nga ba si Papa P sa CamSur para lang isnab-isnabin ni KC?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.