Pwet ni Ryan Bang bumulaga | Bandera

Pwet ni Ryan Bang bumulaga

- November 22, 2011 - 03:39 PM

Biglang hinubaran ni Vice Ganda

PANAHON talaga ngayon ni Vice Ganda. Pagkatapos niyang punuin sa ikalawang pagkakataon ang Araneta Coliseum nu’ng Hulyo ay naging highest grosser naman ang pelikula niyang “Praybeyt Benjamin”.

Bukod pa ‘yan sa mataas na rating na nakukuha ng kanyang mga TV shows sa ABS, ang  Showtime at Gandang Gabi Vice.

Kaya tuwang-tuwa kami nang pumayag siyang mag-show para sa amin, ihinanap niya talaga ng oras ang aming project.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang mag-show pa sa Metrobar pero dahil sinabi naming benefit  show ito for Child Haus Foundation at Philippine Breast Care Foundation ay pumayag agad siya, ang tinutukoy nga namin ay ang “Private Vice Revealed” nu’ng Biyernes. Kaya talagang nagpapasalamat kami kay Vice sa kanyang inilaang panahon.

er ejercito,

Nagulat kami nu’ng Biyernes dahil 6 p.m. pa lang ay mahaba na ang pila sa Metrobar, pero hindi pa talaga namin sila puwedeng papasukin dahil nagre-rehearse pa si Vice nu’ng mga oras na iyon.

Eksaktong alas-otso kinse nang magpapasok na ng tao at nagulat kami dahil hindi pala uso sa Metrobar ang reserved seats, sobrang wild ang mga tao, wala silang pakialam kung may nakasulat na “reserved” sa mga lamesa.

Sinabi naming para iyon sa sponsors at du’n sa mga maagang nagbayad, pero ang katwiran nila ay matagal na raw silang pumila.

May mga madaling makaintindi, pero mas marami ang hindi kaya naloka kami dahil hindi naman ganu’n ang mga naging experience namin sa Zirkoh Morato kung saan  ilang beses na rin kaming nag-produce ng show bukod pa sa sobrang accommodating at magagalang ang staff nina Allan K at Lito Alejandria.

Ang paliwanag sa amin ng staff, si Vice Ganda raw kasi ang magso-show kaya ganu’n ka-wild ang mga tao na sinang-ayunan na lang namin.
Anyway, unang isinalang sa show si TV5 Star Factor finalist Morissette, nagulat kami sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga. Mahusay din pala ito pero bakit hindi siya binibigyan ng magandang exposure sa TV5?

As expected, marami na namang natulala kay Alakim sa kanyang magic at naririnig naming panay ang hiyawan ng audience sa kanya. Heartthrob din pala ang Ejercito boys na anak nina Laguna Gov. ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez na talagang pinakilig ang girls nu’ng gabing ‘yun.

Ang hindi namin kinaya ay ang sexy dance nina Ryan Bang at Jon Avila na kumuha pa ng female audience na talagang game na game na nakipagsayaw at nakipagyakapan sa dalawang male stars.

Game na tinanggal ni Ryan ang suot niyang shirt at kinuha ng kasayaw niyang palaban din at inilagay sa puwitan niya habang sumasayaw sa kantang “Careless Whisper”.

At dahil topless na ang Koreanong hunk actor ay sinisigawan siyang hubarin na rin ang pantalon niya. Ang nakakaloka, si Vice pa talaga ang nagtanggal ng pantalon niya at nakita talaga ang butt nito na sobrang puti kaya lalong nagsigawan ang mga nanonood.

Nang si Jon na ang nakikipag-sayaw ay panay din ang saway ni Vice sa kapartner nitong babae dahil nagseselos kuno siya.
Ayaw naming lagyan ng malisya ang nakita namin, pero mukhang nagkaroon nga ng mutual understanding ang dalawa dahil bakit parang may selos factor kaming naramdaman.

Nu’ng hinubad na kasi ni Jon ang long sleeves na suto niya at kinuha nga ng ka-partner niyang girl (sabay lagay sa kanyang boobs) ay bigla itong inagaw ni Vice at sinabing, “Ako bumili nito, eh!” Hindi na talaga ibinalik ni Vice sa babae ‘yung damit ni Jon. He-hehehe!

Sa totoo lang, labor of love ang pag-appear nina Ryan at Jon sa concetr ni Vice dahil nga benefit show ito para sa Child Haus Foundation at Philipine Breast Care Foundation.

Expected namin ay isang oras lang magso-show si Vice dahil nga may Showtime pa siya kinabukasan, pero inabot siya ng dalawang oras sa show – unkabogable talaga.

At siyempre, gusto rin po naming magpasalamat nang todo sa lahat ng sumuporta sa “Private Vice Revealed” tulad nina Gov. ER at Mayor Maita, ABS-CBN Vice-President for Corporate Communication, Ms. Tates Gana from the office of Mayor Herbert Bautista,

Cristina Decena, Becky Aguila, Atong Ang, Sylvia Sanchez, ABS-CBN Business unit head Deo Endrinal at siyempre, sa takbuhan ng entertainment press kapag nangangailangan, kay Boy Abunda na ni minsan ay hindi kami pinabayaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa lahat ng mga nanood ng “Private Vice Revealed”, maraming salamat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending