Pacman dinedma, walang hero's welcome | Bandera

Pacman dinedma, walang hero’s welcome

- November 22, 2011 - 03:24 PM

Dumating na kahapon nang umaga mula sa Amerika ang Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao.

Nandu’n pa rin naman ang init nang pagbati sa kanya ng ating mga kababayan sa airport, pero kumpara sa noon, maputla ang kulay ng pagbubunyi para kay Pacman.

Kahit ang lunsod ng Maynila ay walang ihinandang hero’s welcome para sa kanya, parang senyal ba ‘yun na kahit ang mas nakararaming kababayan natin ay hindi naniniwalang siya nga ang nanalo sa huling laban nila ni Juan Manuel Marquez?

Panggising para kay Pacman ang ganitong senaryo, kailangan niyang paghandaan na ngayon pa lang ang pagkulimlim ng kanyang karera bilang boksingero.

Nanalo na siya, pero parang talo pa rin, hindi magandang palatandaan ang ganu’n. Mukhang tama ang opinyon ng kanyang mga kaanak na tumigil na siya sa pagboboksing dahil hindi sa lahat ng panahon ay sa kanya ang korona.

Pero sa personal naming opinyon, kontrobersiyal man ang pananalo ni Manny sa pinakahuli niyang laban ay nagsasalita pa rin ang malaking karangalang ilang ulit niyang ibinigay sa ating bayan, hindi lang naman miminsang iginuhit ng Pambansang Kamao ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Totoo namang hindi siya si Superman, meron talagang pagkakataon na magiging mahigpit ang kanyang laban, nasanay na kasi tayo na bugbog-sarado ni Pacman ang kanyang katunggali.

Pero kahit sa anong argumento daanin ang kanyang tagumpay ay Pilipino pa rin si Manny Pacquiao, pangalan pa rin ng ating bayan ang bitbit niya sa pakikipagbasagan ng mukha, kaya dapat lang pahalagahan ng bayang ito ang kanyang tagumpay.

Nasaan na ang mga politikong gumasgas nang husto noon sa kanyang pangalan at katanyagan? Nasaan na ang mga taong todo ang pagkakadikit noon sa laylayan ng kanyang pantalon?

Bakit wala man lang nakipaglaban para mabigyan siya ng hero’s welcome? Nakakalungkot naman ang kinahinatnan ng karera ni Pacman.

Pero ang kanyang mga kababayan sa GenSan ay nagbigay sa kanya ng pagsalubong na nararapat para sa isang ipinagmamalaking kababayan, may motorcade para kay Pacman, ang kanilang minamahal na boksingero, kongresista at kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending