Nawawala ang mga BF (2) | Bandera

Nawawala ang mga BF (2)

Joseph Greenfield - February 02, 2014 - 03:57 AM

Sulat mula kay Linda, ng Cuartero, Capiz
Problema:
1. Nagtataka ako kung bakit kapag malapit na ang birthday ay nawawala ang mga boyfriend. Marami na rin akong naging boyfriend. Marahil sa hirap ng buhay ay nawawala na lang sila kapag malapit na ang bithday ko.
2. Ngayon ay wala akong boyfriend kaya’t malungkot ang lovelife ko.  Madali naman akong magka-boyfriend. Pero, walang tumatagal. Bakit po kaya ganoon? Magkakaroon ba ako ng boyfriend na hindi na mawawala sa piling ko?
Umaasa,
Linda, ng Cuartero, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang darating, habang nagbabago na ang panahon.
Numerology:
Ayon sa iyong birth date, isinilang sa petsang 7 ang lalaking magiging boyfriend mo ay nagsasabing mabilis ang magaganap, sa una, sa ikalawa at sa ikatlong pagtatagpo ninyo, made-develop agad ang isang matimyas na pag-iibigan.
Luscher Color Test:
Sa panahong iyon, sa panahong may mabubuo na sa inyong relasyon, ikaw ay nakasuot ng damit na kulaw puti, habang ang lalaking nabanggit ay nakasuot naman ng t-shirt na green, ‘yan ang palatandaang may isang sweet at matimyas na relasyong mamamagitan sa inyong dalawa.
Huling payo at paalala:
Noong mga bata pa tayo, ang akala natin totoo si kupido, pero noong lumaki na tayo, natuklasin ding nating ang kupido palang ito di lang totoo kundi tayo rin. Ngunit sa kaso mo, totoo man mo o hindi si kupido, tiyak ang magaganap ang wish mo – isang lalaking balingkinitan ang pangangatawan, neat magdala ng damit at medyo cute ang dating na nagtataglay ng initial na J.A. ang magiging boyfriend mo upang sa kauna-unahang pagkakataon, sa taong ito, magiging masaya at romantic na ang mahalagang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending