Ina ni Janelle Manahan lalantad na | Bandera

Ina ni Janelle Manahan lalantad na

- November 20, 2011 - 03:29 PM

Ano ang nalalaman sa pagpatay kay Ramgen?

Katutok-tutok talaga ang Paparazzi Showbiz Exposed ngayong ala una y medya nang hapon sa TV5 dahil sa una at
eksklusibong pagkakataon ay maririnig na natin ang nag-iisang boses na hindi pa lumulutang mula nang paslangin si Ramgen Revilla.

Napakahalaga ng kanyang partisipasyon sa krimen dahil siya ang ina ng isa pang walang kalaban-labang nasaktan sa pagkapatay kay Ramgen, ang ina ni Janelle Manahan na si Ayong Quintano.

Tulad ng kanyang anak ay maganda si Ayong, parang sa isang pagtulak lang ay tutumba na siya, pero matatag ang puso ng dakilang ina ni Janelle.

Ikukuwento niya kung paano niya nalaman na nabaril ang kanyang anak, pati ang mga mensahe ni Janelle nang mabaril ito ay nakatago kay Ayong, nasa Legazpi City, Albay siya nu’ng maganap ang pagpatay kay Ramgen at hanggang ngayo’y hindi pa rin niya maintindihan kung bakit pati ang kanyang anak ay kailangang maisakripisyo ang buhay sa pagkamatay ng karelasyon nito.

“She’s in pain. Hindi lang physical pain, but emotional as well, dahil namatay nga si Ramgen. Kapag nakikita ko siyang iyak nang iyak dahil sa sakit na napi-feel niya, gusto kong ipahiram sa kanya ang mga veins ko para dito na lang isaksak sa akin ang mga suwero niya,” lumuluhang kuwento ni Ayong Quintano.

Ngayong hapon sa Paparazzi Showbiz Exposed ay tutukan natin ang lubos niyang pasasalamat sa pamilya Revilla (lalo na kay Senador Bong) dahil simula sa unang araw ng pagkabaril sa kanyang anak hanggang sa mga oras na ito ay hindi bumibitiw ng pagsuporta sa kanyang pamilya.

Sino ba talaga ang pumaslang kay Ramgen, sino ba ang nakakaalam ng mga nagplano nito mula sa mismong pamilya ng namayapang aktor, tutukan ang panaghoy ng isang ina ngayong hapon sa Paparazzi Showbiz Exposed.
Ala una y medya, sa TV5 po lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending