Forecast ni Master Hanz Cua: Rabbit swerte sa pera; Dragon boring; 'bawi year' sa Snake | Bandera

Forecast ni Master Hanz Cua: Rabbit swerte sa pera; Dragon boring; ‘bawi year’ sa Snake

Leifbilly Begas - January 28, 2014 - 01:11 PM

Bahagi ng kulturang naampon ng mga Pinoy mula sa mga Chinese ay ang pagtingin sa kapalaran o Horoscope. Mayroong mga naniniwala, bagamat hindi lahat, sa kapalarang naghihintay at ginagamit na gabay upang maging masuwerte sa buhay, partikular sa negosyo at trabaho, love life, pamilya at iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang Chinese year o Shēngxiào (Chinese: 生肖) ay ang sistematikong pagpaplano ng hinaharap na iniuugnay sa mga hayop at mga karakter nito.

Narito ang ikalawang bahagi ng forecast ni Master Hanz Cua, kilalang feng shui expert sa bansa,  na kinapanayam ng Bandera sa mga taong isinilang sa taon ng Rabbit, Dragon at Snake.   RABBIT Kung may suwerteng darating sa mga Rabbit person sa 2014 ito ay ang pagkakaroon ng anak.  Sa mga single naman, hintay-hintay muna. Paborable ang taong ito sa Rabbit ngunit kailangan may pag-iingat at hindi dapat nagdadamot. High energy level meron ang Rabbit sa taong ito. MONEY/ CAREER Ang year of the Horse ay paborable sa Rabbit lalo na pagdating sa usapin ng pananalapi. Magandang taong ito para pumasok sa negosyo pero pinag-iingat kung nag-iisip na pumasok sa malakihang investment. Posibleng malasin kung magpapakaganid sa pera,  pag nagkaganon hindi malayong masangkot sa scam. Kung sa trabaho naman, suporta ang makukuha mula sa mga kasamahan. Maganda rin ang pagkakataong ito para maglagak ng pera sa stock market.  Pag-aralan ang suhestyon ng ibang tao. HEALTH Pinag-iingat naman ang mga lalaking Rabbit dahil maaari silang maaksidente sa buwan ng Hulyo. Upang hindi magkasakit ay kailangan na maging malinis sa bahay at opisina. Dapat ding maging malinis sa katawan upang hindi magkaroon ng gastro intestinal problem. LOVE LIFE  Sa mga may-asawang Rabbit, may konting gusot na posibleng mangyari.  Pero masosolusyunan.  Ipinapayo na kailangang lumayo sa office romance dahil maaari itong pag-ugatan ng seryosong problema. Sinasabi ang 2014 ay posibleng magdulot ng problema ng ‘kabitan’ sa ilang tao.  Ito ang dapat pakaiwasan. DRAGON Hindi kagandahan ang taong ito sa mga Dragon person. Boring – ibig sabihin hindi maganda, hindi rin naman pangit. Masasabi na “constant” lang ang mga pangyayari.  Ipinapayong maging low profile at maging mabuti sa ibang tao. MONEY/ CAREER  Unstable din ang career ngayon ng mga ipinanganak sa Year of the Dragon kaya dapat maging masinop sa paggastos. Maaraing walang mangyaring improvement sa trabaho. Pero ang workflow ay mananatili upang ikaw ay maging busy. Pinaghihinay-hinay din sila upang hindi maloko lalo na sa paglalagay ng pera sa anumang uri ng  investment. Kailangang bantayan maging ang paggastos, posibleng mawalan. Kailangan din mag-concentrate sa kung anong meron na, hindi muna dapat sumubok sa ibang bagay dahil baka mabigo lang. HEALTH Maaari silang maging masasakitin ngayong taon at dapat umiwas sa mga matututlis na bahay lalo na sa buwan ng Oktubre. LOVE LIFE Hindi rin magiging maganda ang pakikipagrelasyon kaya dapat maghinay-hinay.  Para mapawi ang malas, gumawa ng mabuti sa iba. Maaaring maging mabigat din ang taong ito sa mga Dragon ang pakikipagrelasyon dahil nature ng isang Dragon ang hirap sa pagiging kalmante. Kung single, hinay-hinay sa pagdedesiyon na maaaring dahilan para mapaibig sa maling tao. SNAKE Magiging masuwerte naman ang taon para sa mga ipinanganak sa Year of the Snake lalo at hindi naging pabor sa kanila ang 2013.  Maaaring sabihing ‘bawi year’ ito para sa mga Snake. Ang mataas nilang positive energy ang magdadala sa kanila ng suwerte. Asahan na magiging exciting ang 2014 sa Snake. MONEY/ CAREER Susuwertehin ang isang Snake sa pakikipagsosyo sa negosyo. Pero kailangan niyang umiwas sa pagsusugal dahil mawawala dito ang kanyang pera. Paborable din ang taon sa mga taong Snake sa kanilang trabaho.  Merong mga challenges pero makakayanan ang lahat.  Posibleng magkaroon ng pag-angat. At dahil sa posibleng magandang pasok ng pera, may mga bagay na pang-layaw na maaaring pagkakagastusan  As the finances will grow high, you may feel like spending on luxuries.  Pinapayuhan na mag-impok ng perang pinagpaguran. HEALTH  Dapat namang mag-ingat ang mga Snake person upang hindi magkaroon ng reproductive health problem.  Iwasan ang mga hindi magandang lifestyle para iwas sakit. Kung meron mang dapat bantayan ang Snake ngayong taon, ito ay ang kanyang health. LOVE LIFE Kailangan din lumayo sa tukso at huwag magpatukso upang manatiling masaya ang pamilya.  Sa mga single, paborable ang taong ito pagdating din sa love life dahil posibleng makilala ngayon ang makakapareha sa habambuhay. (Abangan bukas ang kasunod)
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending