Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2014 kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo iyon nang kusa. Iwasan ang kumplikadong pag-iisip at matutong mag-relax. Sa pag-ibig, kusang iinit ang relasyon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa taon ito, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Hindi mo ba napapansin mabilis na nauubos ang pera? Ilunsad ngayong 2014 ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid na rin. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Makuntento sa kasalukuyang buhay! Hindi dapat mainggit sa iba, may kanya-kanyang kapalaran ang bawat tao; ang mahalaga, maging masaya ka. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din ay may mga pagkukulang. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Upang huwag malungkot, huwag mag-expect ng magagandang mga bagay, kumilos ka lang nang kumilos, kusang mamumunga ng positibo ang anomang bagay na iyong ginagawa. Sa pag-ibig, kahit tumunganga ka ay kusa mong maakit ang isang Scorpio. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Huwag masyadong magtiwala sa sarili dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan ay mas magiging okay ang inyong suyuan at mas malaking kita ng salapi ang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa taon ito, higit sa iyong inaasahan ang suwerteng darating. Ang mahalaga, tuloy-tuloy mo lang gawin ng walang reklamo ang ipinapagawa sa iyo ng tadhana. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.
Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Sa taong ito ng 2014 laging maglinis ng bahay at salid. Kapag in love ka, ganoon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Kasosyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig okay ang kapartner na Cancer o kaya’y Capricorn. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.
Sagitarius – (November 22 – December 21)— Sa taon ito, lalo kang susuwertehin kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita ay babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag panghimasukan ang buhay ng iba. Ang sariling diskarte at sariling kalakal ang magpapayaman sayo, hindi ka dapat sumosyo sa iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang gusto ng kasuyo upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung may nagawang pagkakamali ay huwag nang ulitin pa! Sa pinansyal, habang nagpapakabuti ay darating ang limpak-limpak na salapi. Huwag lokohin ang kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati pa rin – patuloy na kakapusin. Ang pinakamabuting gawin ay magtipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.