Hulog sa SSS hindi inire-remit | Bandera

Hulog sa SSS hindi inire-remit

Lisa Soriano - January 24, 2014 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,
Cashier po ako sa isang company. Sa tuwing kami po ay sumusweldo ay ikinakaltas sa aming payroll ang aming hulog sa SSS at tuwing tinatanong ko po ang may-ari ang sabi ay regular na ni-reremit ang aming contribution pero ng mag-verify ako sa SSS ay wala namang remittance.
Nakita ko rin po ang dami ng tseke na ibinalik ng SSS dahil walang pondo.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na nag-ooperate ang aming kompanya. Ano po ba ang karapatan namin bilang workers at dapat naming gawin?
Ramil

REPLY: Dear Ramil

By this time kung ilang buwan na hindi naghuhulog ang may-ari ng kompanya, dapat ay namomonitor na ito ng aming account officer at magpadala na ng demand letter sa company.
Tatlong demand letter ang kinakailangan bago pa man masampahan ng kaso ang inyong kompanya.

Ngunit bukas naman ang SSS sakaling makipag-usap o makipag-settle ang in-yong company o kaya ay bayaran ang lahat ng pagkakautang sa mga contributions na hindi nai-remit para sa mga empleyado.
Mas mainam rin kung cash na lang ang ibayad dahil sabi mo nga ay ibinabalik ng SSS ang tseke o ito ay nagba-bounce dahil sa kawalan ng pondo.

Subali’t kaakibat nito ay papatawan ng 3% per month na penalty ang may-ari ng company kaya’t kung sa loob ng isang taon ay walang remittance, magiging 36% ang kanyang multa.

May karapatan din kayo bilang mga empleyado na ireklamo ang in-yong employer sa tanggapan ng SSS na hindi naman malalaman ang in-yong pagkakakilanlan kung ayaw ninyong ipabatid.

Ms. Susie Bugante
VP for Corporate
Affairs
SSS

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending