Si Rayver na raw ang gustong pakasalan
TANGGAP na tanggap talaga ng pamilya ni Cristine Reyes ang leading man niya sa Re-putasyon na si Rayver Cruz. Mismong ang ate ni Cristine na si Ara Mina ang nagbunyag nito nu’ng interbyuhin siya ni Kris Aquino sa top rating morning show niya on ABS, ang Kris TV.
Botong-boto ang ina nila at lahat ng kaanak kay Rayver sabi ni Ara. Paano raw kasi kahit wala si Cristine or ‘di pwede dahil sa trabaho to attend a special occasion sa pamilya nila, si Rayver ang pinapadala ng kapatid ni Ara to represent her.
Sa hiwalay na interbyu naman ni Cristine kay Kris sa Kris TV din sinabi niya na wala ng ibang lalaki na nakikita niya that she’ll end up with walking in the aisle kundi si Rayver lang. Gusto na rin kasi ni Cristine na mag-asawa na in the next five years.
At si tingin niya si Rayver na ang papakasalan niya.
“Ayoko na rin ng iba. Pangit kasi ‘yung ang dami-daming lalaki sa buhay ko. Sabi rin ng Mommy ko, pangit daw ‘yung maraming lalaki sa buhay ng babae,” diin ni Cristine.
Hindi naman nanghihinayang si Cristine na mawala siya sa showbiz at the height of her career. Bata pa lang daw kasi siya ang pangarap lang niya ay maging isang mabu-ting asawa at ina sa kanyang mga anak.
Pero if ever mag-asawa na raw siya’t payagan ng mister niya na mag-showiz pa rin, okey na raw sa kanya ang pa-guest-guest at ‘di na ganu’n karami ang workload.
Ganu’n na talaga ang paningin ni Cristine sa relasyon nila ni Rayver, huh! Going smooth at wala naman tayong nababalitaang intriga sa mga bida ng Reputasyon na lalo pang inaabangan g televiewers sa bago nitong timeslot sa Kapamilya Gold.
Baka nga maging “rehearsal” na ng actual wedding nina Cristine at Rayver ang maging ending din ng forbidden love ng mga character nila sa Repustasyon.
Patuloy na tutukan at abangan ang mas tumitindi pang mga eksena’t engkwentro sa pagitan ni Cristine at pamilya niya laban kay Aiko Melendez na bonggang-bongga rin ang performance sa serye.
Plus of course, ang iba pang main cast sa Reputasyon na sina Jaclyn Jose, Pepe Pimentel, Jason Abalos at direk Laurice Guillen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.